Chapter 48

1K 37 0
                                    

Tatlong buwan makalipas ay nakapag-desisyon kami ni Leigh na doon na lang kina Ms.Boa tumuloy muna pansamantala. Kailangan ko na kasing pumasok sa kompanya. Hindi madali para kay Mr.Alastair ang patakbuhin ang kompanya nang siya lang mag-isa, kailangan ko nang tumulong. Hindi naman pupwedeng pumasok si Leigh dahil maselan talaga ang pagbubuntis niya. Advice lang ang maibibigay niya pero yung katulad nang dati niyang mga ginagawa ay bawal na.

Ang alam ng buong kompanya ay nasa isang long business trip si Leigh outside of the country para wala nang masyadong mga tanong ang mga director at board members.

Isa pa, kailangan ko na rin nang makakatulong sa pag-aalaga sa kondisyon kay Leigh. Halata na ang paglaki ng tyan ni Leigh. Hindi na ako naghanap pa ng nurse o maid na makakasama ni Leigh kapag wala ako nang umaga sa condo. Iisang tao na ang pumasok sa isip ko na maaring gumawa na ng lahat ng iyon.

Si Heloise.

Ang totoo pala talaga ay graduate ito ng nursing, hindi nga lang registered nurse. Si Ms.Boa noon ang nagpa-aral sa kaniya, Ngunit hindi rin naman niya nagamit ang napag-aralan dahil ayaw siyang pagtrabahuin ng kasintahan. Binibigay naman daw kasi nito ang lahat ng gusto at pangangailangan ni Heloise.

Nakausap ko na si Ms.Boa tungkol dito, tinignan lamang ako nito at nag-Okay saka nilagpasan ako. May attitude pa rin talaga siya pagdating sa akin. Asus, pero tumitiklop pagdating kay Heloise. Haha.

"We're here-" Natigilan ako nang pagbaling ko sa katabi kong si President Leigh na nasa passenger seat ay himbing na himbing na sa pagkakasandal sa may bintana.

Hindi ko napigilan ang mapangiti. Nagiging antukin na siya.

Naalimpungatan siya nang maramdaman niya ang pagpatay ko sa makina ng sasakyan.

Tahimik ko siyang pinapanuod habang kinukusot niya ang mata. Cute.

Pagkababa ko nang sasakyan ay namataan ko na ang anak kong masayang tumatakbo papunta sa akin.

"Mama!" Agad itong tumalon sa akin para magpabuhat at mayakap ako nang mahigpit.

Napatawa na lang ako. "Kakakita lang natin kahapon ah. Sinundo kita, right? Grabe naman pagka-miss mo sa akin, parang hindi tayo nagkita nang ilang taon."

Sweet na humalik si Noah sa pisngi ko. "Palagi po kitang miss, mama."

"Oh, say 'hi' to your Tita Ganda, pero wag kang magpapabuhat ah," tugon ko kay Noah.

"Hello kiddo, I miss you. Kahit yakap na lang kay Tita Ganda." Magiliw na nilahad ni Leigh ang mga braso at bahagyang umupo para maka-level ang anak ko.

Mabilis naman na bumaba si Noah sa bisig ko at mahigpit na yumakap nga kay Leigh.

"Tita Ganda, you're shining," komento nang anak ko.

"Shining?" tanong ko naman.

"Para ka pong nagliliwanag," dagdag ni Noah.

"Really?"

"Yes po." Humagikhik ito. "You're much more beautiful now, Tita Ganda," patuloy na puri ni Noah.

"Talaga ba? Binobola mo lang yata si Tita Ganda eh," nakangiting tugon ni Leigh.

I can't help but to smile. I think ay babae ang baby ni Leigh. May kasabihan kasi na ganun. Kapag mas nag-blooming ang isang buntis na bababe ay girl daw for sure ang baby nun. Ako kasi nung pinagbubuntis ko si Noah ay naging haggard talaga ako. I'm happy if babae ang anak ni Leigh. I want to have a daughter too.

Oo, inako ko na talaga ang responsibilidad sa baby ni Leigh, ngunit hindi ko pa rin inaalisan si Sir Zeus ng karapatan bilang ama. Sustentado niya ito kahit na parang hindi naman talaga iyon kailangan ng presidente.

[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon