Lumipas ang araw ng opening ng warehouse sa Laguna, and it was indeed successful. Sobrang higpit ng security at ang mga media ay sa labas lang ng warehouse. Tanging mahahalagang personalidad lang ang inimbitahan at nakapasok sa loob.
Matapos ng ribbon cutting at ang programa ay nagpa-reserve at nag-treat si President Leigh sa isang mamahaling restaurant kasama ang lahat ng team ni Engr.Zeus na tumulong sa pagbuo ng warehouse. Dahil doon ay halos napuno ang restaurant. Napaka-galante talaga ng presidente.
Makalipas ang isang linggo mula n'ong buksan yung warehouse. Today is the day – ang naka-set na outing na prinepare ko on the side. Sa isang resort sa Batangas ako nagpa-book. Dahil minsan lang mangyari ang outing na ito ay ginawa kong three days and two nights ang bakasyon na 'to.
"Arkesha Keyshey Larqueza na ipinanganak sa barong-barong noong panahon ng kupong-kupong!!!"
Jusko alam ko na kung kaninong sigaw na iyon. Tsk, di man lang nahiya. Dahil sa lakas ng boses ni Marj ay napatingin ang lahat sa tatlong parating.
Pinilit ko na maliit na grupo lang ang makasama pero in-insist ni President Leigh na isama ko na rin daw ang ilang mga malalapit na kaibigan ko sa Maintenance Department para maka-bonding ko sila uli.
Kaya't kasama ay ang mga subordinates ni Mr. Brooke, at sina Marj, Bree pati rin si Chino, atsaka syempre kami nina Mr. Alastair. Gusto pa nga sana ni President Leigh na isama ko rin daw si Noah pero hindi pwede dahil kailangan mag-aral ng anak ko para sa paparating nilang exam.
"Waah, bebs! Sobrang miss na miss na miss kita." Sinalubong ako ng yakap ni Marj nang tuluyang makalapit. "Na o-OP na ako kina Bree at Chino, wala kasi si Papa Adamson. Kamusta ka na? Kumakain ka pa ba ng maayos? Ba't parang nangangayat ka? Diba sabi ko naman alagaan mo sarili mo. Anong nangyayari sayo?"
"Sshhh Marj, umayos ka kasama natin si President Leigh.." mahinang sita ko rito at bahagyang kinakalas ito sa pagkakayakap sa akin.
Napatingin ito kay President Leigh na nasa tabi namin at nakangiting pinapanuod kami. Agad namang kumalas si Marj sa akin at biglang naging pormal ang tayo.
"Ayy, sorry po.." mahinhin nitong hingi ng despensa.
"It's okay. I don't mind," nakangiting saad ni President Leigh, "I know how much you miss your friend that's why I insisted her to invite the three of you."
"Salamat po ng marami, Miss President.." masuyong pagpapasalamat ni Chino na nasa likod namin.
Tumango si President Leigh bilang tugon.
"Asan na ba si Young?" inip na wika ni Ms.Boa kaya't nabaling ang atensyon ng lahat sa kaniya. "Frances tawagan mo na nga ang boyfriend mo."
"Ito kino-contact ko na pero hindi ko siya boyfriend ah," Frances said in denial with a blushing cheek.
"Heyoo~!"
Lahat kami napatingin kay Young na humahangos patakbo palapit sa amin. Pawisan ito pero hindi naman siya yung nagmumukhang dugyot, more like wet look.
"Frances, ang laway tumutulo.." hirit kong pang a-asar dito pero sa sobrang titig niya kay Young ay di niya ako pinansin.
"Ba't ngayon ka lang?" salubong na tanong ni Mr.Brooke nang tuluyan makalapit si Young.
"Male-late tuloy tayo niyan nang dating doon sa dagat. Mataas na mamaya ang araw," dagdag ni Mr.Alastair na bahid nang pagsita.
"Pasensya na talaga.." hinging paumanhin nito, "Ako na lang ang magda-drive bilang pambawi."
Dahil sa pagboluntaryo ni Young ay siya nga ang driver, while Mr.Alastair seated at the passenger seat. Umupo naman sa pinaka-likod sina Marj at Bree. Hinihila nga nila ako na doon rin umupo pero nang pumwesto si Chino katabi ni Bree ay wala nang space dahil sa mga bag. Sa sumunod na hilera ng upuan ay pinagitnaan nina Frances at Ms.Boa si Mr.Brooke, sa laki daw kasi ng katawan ni Mr.Brooke ay perfect na sandalan at unan. Dahil doon ay nawalan ako ng choice kundi tumabi dito sa harap kasama si President Leigh.
BINABASA MO ANG
[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a Secret
RomancePamilya o Pag-ibig? Mamahalin mo ba ang isang taong gusto mo kung pagmamay-ari na pala siya ng iba at ikaw ay nakatali na rin? Susuungin mo ba lahat ng nakabalakid na pagsubok para sa isang pag-iibigang hindi tama? Ssshhh Let's Make a Secret Arkesha...