Chapter 17

1K 45 1
                                    

Ugh. Anong espirito ng kabaliwan ang pumasok sa utak mo? Bakit mo ba kasi ginawa iyon? Aish, sarap mong sabunutan.

Yeah, I was drunk but I remember everything. I remember how stupid I was. Bakit mo naman kasi hinalikan si President Leigh tapos umiyak ka pa sa harap niya? Lasing ka lang pero nasa tamang pag-iisip ka pa naman nun.

Isang araw na ang nakalipas simula nang bumalik kami sa Manila. Kahapon sobrang awkward talaga, halos hindi kami nag-imikan ni President Leigh simula n'ong lumisan kami ng Batangas. Hindi ko alam kung pansin iyon ng mga kasamahan namin pero hindi ko talaga magawang salubungin ang mga mata ni President Leigh sa tuwing sumusulyap ito sa akin.

Sobra akong nahihiya sa ginawa ko ngunit alam kong hindi naman pwede ang ganito na iwasan ko siya. Mukhang kailangan ko nang humingi ng tawad at ayusin ang sarili ko. Kung anuman ang gumugulo sa utak ko ay dapat nang tapusin.

Humugot ako nang malalim na buntong hininga bago bumukas ang elevator. Yeah, I have to  talk with President Leigh.

Pagkalabas ko ng elevator ay halos mahugot ko ang aking hininga nang unang bumungad sa akin ay si Ms. Boa. Saglit kaming nagkatinginan matapos ay inirapan ako at nilagpasan para sumakay sa elevator. I tilted my head tapos napangiwi at napailing na lang, ang laki talaga ng problema niya sa akin.

Nang makadaan ako sa department nina Mr. Brooke ay bumati ako, ngunit sila palang ni Young ang nandoon. Wala pa kasi akong nakitang gamit ni Frances sa desk niya. Anong oras na din, baka absent siya. May hang-over pa yata galing sa gala namin.

Pagdating ko sa pwesto ni Mr. Alastair ay inalukan ako nito ng kape ngunit ngumiti lamang ako sa kanya at umiling.

"Andyan na po ba si Miss President?" I asked instead.

"Mukhang hindi yata muna siya papasok," sagot sa akin nito.

My forehead creased. "Bakit daw po?" usisa ko.

"Pasensya na, hindi ako nag-abalang magtanong. Nag-message lang siya na tayo munang bahala dito sa company."

Sandaling napatingin ako sa malaking pintuan ng office ni President Leigh. Isang ideya ang pilit na sumisiksik sa utak ko kaya't muli kong nilingon si Mr. Alastair.

"Pwede po ba akong umalis saglit?" paalam ko rito, "May pupuntahan lang po sana ako pero babalik rin po ako agad."

Mr. Alastair gently smile at me and slowly nodded. "Sige lang, wala naman gaanong gagawin. Kaya ko na dito, ako nang bahala."

"Salamat po ng marami." Balik kong ngiti at madaling umalis rin agad.

Sumakay ako ng taxi papuntang F&R Tower. Gusto ko lang makausap nang masinsinan si President Leigh. It is now or never. Dahil baka kung ipagpaliban ko pa ay magkaroon na ng agwat ang pakikitungo namin sa isa't-isa, at ayoko nang gan'on.

Pagdating ko sa condominium ay madali akong pinapasok nang ipakita ko ang employee ID ko at sinabing may mahalaga akong agenda kay President Leigh.

Pagkalapag ng elevator sa 14th floor ay muli kong hinanda ang sarili bago pindutin ang doorbell.

Ngunit mahigit kinse minutos na yata akong naghihintay dito sa labas ng condo niya at nagdo-doorbell ngunit mukhang walang tao sa loob. Maaaring may pinuntahan ito sa labas.

Nang mapagod ay nanatili na lang ako sa isang sulok. Silently seated at the carpeted floor while waiting for the president. I held my lips and anxiously bit it, anticipating what I would say the moment I'll see her.

Several minutes have passed when the elevator dings. I instantly stood up as the door opened revealing the person I was waiting for.

The president looked so simple wearing a loose shirt, yet still beautiful with her messy bun. It took me seconds to admire her first before my eyes squinted as I realized something. Lumalabas siya nang ganiyan ang ayos?

[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon