Arkesha's POVs:
Halos mapahilot na ako sa sintido ko sa sobrang pananakit ng ulo ko. Binabalot ng samu't-sari at kaliwaang reklamo ang apat na sulok ng conference room ngayon. Waring lahat ay may kaniya-kaniyang mundo.
Fucking 50 million pesos have lost based on the financial statement and report na ni-release ng Accounting and Budget department kaninang umaga. Nabigla ang buong kompanya, hindi alam kung saan napunta ang malaking halaga. Nang makarating sa kaalaman ng shareholder members ay isa-isa nila kaming piniste ni Mr. Alastair ng sunod-sunod na tawag at reklamo.
Kanina pa sumasakit ang ulo ko sa pagsagot sa mga tanong nila sa telepono hanggang sa nagdesisyon kami ni Mr.Alastair na magpatawag ng emergency board meeting ngayong hapon ngunit ganito ang kinalabasan. Maingay at magulo, Ni hindi nila magawang patapusin kami sa pagsasalita.
Napalingon ako sa katabi kong si Mr.Alastair nang marinig ko ang marahas nitong pagbuntong-hininga. Napaka-kalmado ng itsura nito ngunit kabaligtaran ang ipinapahiwatig ng mga mata. Parang katauhan ni Leigh ang nakikita ko sa harap ko ngayon.
Nabigla na lamang ang lahat kay Mr.Alastair nang marahas nitong hinampas ang ibabaw ng lamesa na nakalikha nang malakas na ingay at naka-agaw sa atensyon ng lahat.
"Listen up everyone and could you please be all settle down?" mahinahon ngunit ma-awtoridad na wika ni Mr.Alastair.
I secretly smile. Bahagya akong namangha kay Mr.Alastair nang mapasunod nga niya ang mga board. May konting bulungan ngunit mas maigi ito kaysa kanina. Matapang na tumayo ito mula sa kaniyang pagkaka-upo at hinarap ang buong board of directors.
"We summoned you all to this emergency meeting to address all your concerns, discuss the issue, and answer all your questions. But fifteen minutes have passed na nagkagulo at nag-ingay lang kayo. Ilang minuto ang nasayang imbes na may nabuo na sanang strategy a-"
"Tapos na sana ang usapan na ito kung nasa harap namin ngayon ang president," maangas na singit ng isang board member.
"Nasaan na nga ba kasi si Miss President? Hihintayin pa ba niyang dumugin tayo ng mga shareholders bago siya magpakita?" dagdag ng isa.
"Nalugi ng 50 million ang kompanya ngunit pinababayaan niya lang tayo, and she's just enjoying herself on her vacation abroad?"
Dahil kay Mr.Alastair waring pati ako ay nagkaroon ng lakas ng loob na tumayo rin mula sa pakakaupo.
"Correction, Faulkerson Company is not on bankruptcy. May nawawala lang na 50 million but the company is not on bankruptcy. Fifty million ay maliit na porsyento lamang sa kung gaano kalaki ang kinikita ng kompanya," matapang ko ring ani.
"Fifty million is fifty million. One small hole can sink a ship, so as business."
"Maaaring ninakaw ang fifty million."
"We want to talk with the president."
"Ngayong wala si Miss President, hindi ba dapat mas ngayon natin ipakita kung anong magagawa natin sa krisis na ito?" singit ni Mr.Alastair.
"You are all board of directors, you are all part of executive decision making, ngunit bakit ngayon mas umiiral ang mga bibig kaysa utak-" I added.
"Aba't sino ka upang sabihin ang ganiyang bagay sa amin? You're just Miss President's secretary," alma ng isang board member.
"Secretary Arkesha was right. Ganito magsalita sa harap niyo si Miss President ngunit bakit hindi kayo nagre-reklamo noon?" pagtatanggol sa akin ni Mr.Alastair, "Anong silbi niyo kung iaasa niyo lahat kay Miss President ang bawat desisyon?"
BINABASA MO ANG
[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a Secret
Lãng mạnPamilya o Pag-ibig? Mamahalin mo ba ang isang taong gusto mo kung pagmamay-ari na pala siya ng iba at ikaw ay nakatali na rin? Susuungin mo ba lahat ng nakabalakid na pagsubok para sa isang pag-iibigang hindi tama? Ssshhh Let's Make a Secret Arkesha...