Chapter 13

1.1K 43 0
                                    

"Ano sa tingin mo? Pogi ba?"

Mula sa pagtulala ay nabalik ako sa realidad nang tapikin ako ni Frances. Nandito ako ngayon sa cafeteria, kasama silang mag-lunch break. Si Mr. Alastair kasi ang isinama ngayon ni President Leigh para sa lunch meeting niya.

May ipinapakita si Frances na litrato ng isang lalaki mula sa kaniyang phone. Pinakatitigan ko itong maigi at isa lang masasabi ko, hindi ito kagwapuhan ngunit maporma at kutis mayaman. Tingin ko din ay hindi nalalayo ang edad nito sa amin.

Imbes na sagutin ang tanong ay tinapunan ko ng tingin si Frances. "Sino iyan?"

"Nag-set kami ng blind date para kay Ms. Boa kahapon," ngiting-ngiting tugon nito.

"Baka kapag nagkaroon na siya ng love life ay mabawasan na ang pagsusungit niya,” dugtong ni Mr. Brooke.

"Oo nga pala, kamusta ang date kahapon?" usisa ni Young, "Konting kwento naman diyan, Ms. Boa.

“Tigilan niyo ako,” pagsusungit ng huli

Hindi ko napigilang kiligin sa ideyang naisip nila. I glanced at Ms. Boa and gave her a teasing stare because of that. In response, she rolled her eyes at me as I expected. Kaya napangiti na lamang ako dito.

"Saan galing yung lalaki?"

"College friend ko siya," Mr. Brooke answered, "Nagkwento na siya sa akin. Hindi daw niya nakayanan ang pagiging suplada ni Ms. Boa at sobrang nakaka-intimidate daw,” natatawang kwento nito.

“Aish." disappointed na reaction ni Young. "Ano ba naman yan, Ms. Boa?”

“Sana pinakasamahan mo muna nang maayos,” dagdag ni Frances.

Tumango ang lahat sa sinabi nito.

 “Pinipilit niyo ako eh ayoko nga.” Sa inis ay biglang tumayo si Ms.Boa at kahit hindi pa tapos kumain ay umalis na.

Hinabol naman siyang tawag nina Mr.Brooke pero mukhang napikon talaga siya.

“Yan kasi, Frances..” napalingon ako kay Young nang sisihin niya ang katabi.

Binatukan ni Frances si Young. “Ba’t ako sinisisi mo? Diba sayong ideya yung blind date?”

“Tama na yan. Hayaan na muna natin si Ms.Boa,” pagsingit na lang ni Mr.Brooke na sinang-ayunan ng lahat.

Muli kaming nagpatuloy sa pagkain at bumalik ang kulitan.

Matapos ang isang oras na lunch break ay umakyat na kami sa 14th floor para bumalik sa trabaho. Nang mamataan namin si Ms. Boa na seryoso na sa ginagawa niya sa computer niya ay tinakpan ni Mr.Brooke ang maingay na bibig ni Young na dumadaldal, nagkaroon nang awkward na katahimikan. Pinabayaan ko na lamang sila at dumeretso na ako sa opisina.

Pagpasok ko ay bahagyang ikinabigla ko nang makita si President Leigh na abala na sa kung anumang binabasang papel sa kaniyang desk. Hindi ko kasi nakita sa labas si Mr. Alastair kaya't hindi ko inaasahan na nakabalik na sila.

"G-Good afternoon, Miss President.." magalang kong pagbati kahit bahagyang natural.

Sandali ako nitong tinapunan ng tingin at binalik din agad ang atensyon sa binabasa. "Good afternoon too," she greeted back in monotone.

Hindi ko napigilang pagmasdan ito nang sandaling tumahimik ang paligid. How her delicate lips pursed and her perfect eyebrows furrowed in stress while reading the document she was holding, in which I found it cute in some ways.

Agad kong nahigit ang hininga nang ma-realize ang ginawa. Naramdaman ko ang pag-akyat ng init sa aking mukha. Nakakahiya. Mabuti na lamang ay nakatuon pa rin ang atensyon nito sa binabasa.

[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon