Chapter 16

1.1K 41 2
                                    

Nagising ako dahil sa tumatamang sinag ng araw galing sa bintana, ngunit agad ding napapikit nang mariin nang makaramdam ng sakit ng ulo.

Ugh. Hang-over.

Ilang minuto kong pinakalma ang sarili, bago ay sinilip ang katabi. Mahimbing pa ring natutulog ang presidente habang yakap ang unan. Kung anong posisyon nito kagabi ay gan'on pa rin na parang hindi man lang ito gumalaw.

Saglit akong napangiti at napagdesisyunang bumangon na. Sinarado ko muna nang bahagya ang bintana gamit ng kurtina.

Tahimik at maingat kong ginawa ang morning routine ko para di ko magising si President Leigh. Bago lumabas ay inayos ko muna ang kumot ito.

Pagdating ko sa kusina, inaasahan kong ako ang unang nagising ngunit mas maaga palang bumangon si Ms.Boa. Naabutan ko siyang nagluluto ng agahan marahil ay para sa aming lahat.

Sinilip ako nito nang maramdaman ang presensya ko ngunit wala itong sinabi pagkatapos ay bumalik na uli ang kanyang atensyon sa ginagawa.

Dumeretso na lamang ako sa ref para kumuha nang maiinom na tubig. Masasabi kong medyo awkward dahil halos wala kang maririnig na ingay sa pagitan namin. Nag-aalangan naman ako bumati ng 'Good morning' dahil baka sungitan lang ako nito.

Nang matapos ako uminom ng tubig ay pinagmasdan ko si Ms.Boa na abala sa pagluluto ng fried rice.

Nasabi ko na noon na medyo ahead ang edad sa amin ni Ms.Boa pero hindi naman siya yung lagpas na sa kalendaryo, siguro ay nasa 27 o 28 years old lang siya.

Wala akong gaanong alam sa kanya dahil lagi siyang nagsusungit. Ganunpaman masasabi kong may maipagmamalaki si Ms.Boa. Bawasan niya lang ang pagsusungit ay maganda talaga siya. Kasi naman mai-intimidate ka na agad sa unang kita mo palang sa kanya.

Naka-loose shirt rin siya pero may short kaso sa sobrang iksi ay parang wala, medyo nakaramdam ako ng inggit nang mapadako ang tingin ko sa maputi at makinis niyang binti.

"How long are you planning on checking me out?" she spit out annoyingly.

Dahil doon ay bahagya akong namula at napakamot sa ulo ko. I cleared my throat to mask my embarrassment.

"Tulungan kita," ani ko na lamang.

Wala itong sinabi kaya sa kabilang stove ko na lang napiling magluto ng bacon. Meron na kasing mga sunny side-up eggs and hotdogs sa mesa.

Tulad kanina ay tahimik ang buong kusina. Walang imik siyang nagluluto kaya di na rin ako nag-abalang kausapin siya.

Nang matapos si Ms.Boa sa pagluluto ay unti-unti kong naramdaman ang pagkailang nang titigan niya ako nang mataman. Nang sulyapan ko siya ay wala man lang expression na pinapakita ang mukha niya, Ni hindi ito nag-iwas ng tingin. Hindi ko tuloy mabasa kung anong iniisip niya. Pinapanuod niya lang ako habang nagluluto.

"Could you please stay away from President Leigh?" maya-maya'y ani niya..

Dahil sa sinabi ay agad na bumaling ako sa kaniya. Kumunot ang noo ko sa pagtataka at hinahanap sa mata niya ang sagot kung bakit.

"Just stay away.."

Iyon lang pagkatapos ay tumalikod na siya at umalis nang walang paalam. Hindi ko alam pero parang may tono nang pagbabanta sa boses nito.

Dahil sa pag-iisip kay Ms.Boa ay muntik pang pumalpak ang niluluto ko.

Saktong-sakto pagkatapos ko ay nagising na sina Young. Namangha sila sa dami ng nakahanda sa mesa pero sinabi ko naman na hindi lang ako ang nagluto.

Matapos namin magkainan ay nagpahinga lang saglit pagkatapos ay sumama ako sa kanila sa mga water adventure nila. Tutal last day na namin dito sa Laiya at bukas ng umaga ay uuwi na kami sa Maynila, kaya't sinulit na namin ang napakagandang dagat ng Batangas.

[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon