Chapter 23

980 36 3
                                    

Parehas na napukaw ni Lithesia ang atensyon namin ni President Leigh nang humikab ito nang malakas. Halatang sinadya iyon upang iparating sa amin ang kaniyang pagkainip.

Nandito siya ngayon sa loob ng office. Gusto daw nitong lumabas at gumala muli kami, ngunit dahil may trabaho kaming dalawa ni President Leigh at may hinahabol na deadline kaya't hindi mapagbigyan ang request nito na date. Pumirmi na lamang tuloy ang dalaga sa kinauupuang sofa at magta-tatlong oras nang nagbabasa ng kung ano-anong magazine na naka-display sa sala table.

"Sinabi ko na kasi sayo, umuwi ka na at sa ibang araw na lang dahil may ginagawa kami," nauubusan nang pasensya na ani President Leigh.

Lithesia childishly pouted in response. "Tapusin niyo na nga iyang ginagawa niyo tapos mag-date na tayo," parang batang ungot nito.

"Nagsasayang ka lang ng oras dito," ika pa ng presidente.

"Hindi pagsasayang ng oras ang kagustuhan ko na makasama kayo," patuloy na pagpipilit ng huli, nakatuon pa rin ang mga mata sa binabasang magazine.

Marahas na bumuntong hininga si President Leigh. "Wala ka bang gagawin sa coffee shop mo at nandito ka?" tanong na lamang nito.

Marahas na sinarado ni Lithesia ang magazine matapos ay bumaling. "Kaya na ni Grey d'on," she replied.

Wala nang nagawa pa ang presidente kundi ang muling mapabuntong hininga. Hinayaan niya na ito at walang salitang binalik ang atensyon sa kaniyang pinipirmahang dokumento. Hindi na din ako nagsalita pa at tinuloy ang ginagawa kong pag i-encode sa kaharap na computer.

Muling binuklat na lamang ni Lithesia ang hawak na magazine at nagpatuloy sa pagbabasa. Maya-maya'y naistorbo ang lahat dahil sa pagtunog ng phone nito. Sinagot niya ito habang nakatuon pa rin ang mga mata sa binabasang magazine.

"Yes, twinbro?"

Si Sir Freire pala.

"What is it?....Uh-huh....No....I said no....Freire!....Don't you ever dare....No!....Hey!?....Freire? Hello?....Ugh shit, that asshole!"

Pabagsak na itinapon ni Lithesia ang phone sa sofa pagkababa ng tawag. She frustratedly massaged her temple.

"I guess, I gotta go. Bababa lang ako sa office ni Freire," pagpapaalam ni Lithesia, may bahid ng pagkainis sa tono nito, "Next time na lang tayo mag-date, Miss Arkesha." Madali nitong inaayos ang gamit.

Hindi ko alam ang sasabihin kaya't tumango na lamang ako sa sinabi nito kahit hindi siya sa akin nakatingin.

Nagpaalam din ito kay President Leigh at nakipag-beso bago tuluyang lumisan.

"Pasaway talaga," iiling-iling na komento ng presidente. Kapwa kaming nakatingin sa pintong nilabasan ni Lithesia.

Napabuntong hininga na lamang nang malalim si President Leigh matapos nun at saglit na pumikit pagkatapos ay sumandal sa swivel chair.

"Ayos lang po ba kayo, Miss President?" nag-aalala kong tanong.

She hummed in response and heavily sighed once again. Marahan itong napadilat ng mata matapos niyon.

Hmm, pansin kong madalas siyang bumuntong hininga lately. Sobrang bigat siguro ng dinadala niya, kaya gan'on na lamang ang iyak nito kahapon. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong ideya kung anong dahilan. But my guts were telling me that Lyle might be part of the reason why the president is distressed right now.

Mula sa malalim na pag-iisip ay naagaw ni President Leigh ang atensyon ko nang tumayo ito mula sa desk pagkatapos ay naglakad papunta sa may sala set. Patuloy ko itong pinapanuod nang umupo siya sa kaparehong sofa na kinauupuan kanina ni Lithesia.

[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon