Chapter 42

980 33 4
                                    

Third Person's POVs:

Napamura si Leigh nang gumuhit na naman ang matinding init sa lalamunan nito pagkatungga sa iniinom. Halos maka-ubos na ito nang isang bote ngunit hindi pa rin siya nasasanay sa hagod ng alak sa lalamunan niya.

Natigil siya nang marinig na ang tunog ng isang makina ng kotse mula sa labas. Dumating na ang kanina pa niyang hinihintay na kaibigan. Pagod na pagod naman na pumasok ng bahay si Zeus, kinuha lang nang isang katulong niya ang dala niyang briefcase mula sa kamay niya.

"Sir Zeus, nandiyan po si Ma'am Patricia sa loob," anunsyo ng mayordoma ni Zeus.

Napatigil sa pag-akyat si Zeus papunta sa kwarto nito sa taas.

"Nasaan siya?" tanong nito.

"Nasa bar counter po. Kanina pa po siya umiinom at hinihintay po kayo," sagot ng mayordoma.

"Sige, puntahan ko lang siya. Magpahinga na kayo," tugon ni Zeus.

Pagdating ni Zeus sa bar counter ay naabutan niya si Leigh na sobrang lasing na lasing na nga. Nakatumba na ang isang bote ng alak na ubos na habang nagbubukas na naman ito nang panibago.

Madaling inagaw ni Zeus ang alak at siya ang nagbukas dito. Umupo ito sa upuang katabi ni Leigh at inilapag ang hawak na alak sa bar counter.

"Bakit ngayon ka lang?" tanong ni Leigh kay Zeus sa lasing na tono.

"You're drunk," ani Zeus at tumabi kay Leigh.

"I know. C'mon, join me. Let's get wasted tonight." Inabot ni Leigh kay Zeus ang hawak na walang lamang baso. Kinuha ito ni Zeus at nagsalin nga saka ininom ng deretso.

"Why?"

"Nothing. Gusto ko lang makalimot kahit ngayong gabi lang."

"Babe-"

"She rejected me, Zeus. Nasaktan ko nga talaga siya. What should I do? I love her so much." Kanina pa umiiyak si Leigh ngunit muli na namang nagsituluan ang kaniyang mga luha nang maalala ang nangyari kanina.

"I thought, tatapusin mo na ang kung anumang connection niyong dalawa at namamagitan sa inyo?" tanong ni Zeus.

"Hindi ko na alam, Zeus. Hindi ko na talaga alam. Iyon naman talaga ang dapat hindi ba? Pero....sa tuwing nandiyan siya ay parang hindi ko kayang tapusin ang lahat sa amin."

"You really love her, babe."

"Yes, but I hurt her so much."

Napapikit si Leigh nang lumandas ang isang mainit na luha mula sa kaniyang kaliwang mata. Marahan itong pinunasan ni Zeus gamit ng kaniyang daliri.

"And I love you too, Patricia," Zeus whisper.

Dahil sa binitiwang salita ni Zeus ay tuluyang dumilat si Leigh.

Kinuha ni Zeus ang kanang kamay ni Leigh at masuyong hinalikan ang likod ng kaniyang palad. "I love you so much."

"Zeus-"

"Mahal na mahal kita noon pa man, alam mo iyan. Ako ang nasa tabi mo n'ong lumuha ka dahil kay Lyle at ngayon ay sa akin ka uli lumapit ngayong umiiyak ka muli dahil naman kay Arkesha. Patricia, ayokong nakikita kang ganiyan at nasasaktan."

Waring natutop ang labi ni Leigh. Wala itong makapang dapat na sabihin.

"Hindi mo ba alam kung gaano mo ako nasasaktan sa tuwing nagkukwento ka ng tungkol kina Lyle o Arkesha? Patricia, hindi mo ba ako nakikita?" Ibinuka ni Zeus ang mga braso na waring nag-aayang yakapin siya ni Leigh. "Here I am, accepting you wholeheartedly. I promise, hindi kita papaiyakin nang ganito. I love you so much. I am offering myself to you."

[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon