Chapter 47

1K 43 1
                                    

 Galing ako sa paghatid kay Noah sa school nang pagdating ko sa condo ni Leigh ay agad akong nataranta nang maabutan si Leigh na naiyak.

"The hell Leigh. What happen? Why are you crying?" taranta kong tanong.

"Si Lori kasi." Umiyak ito. "Nakipag-break kay Bobby."

"Huh? Sinong Lori at sinong Bobby?"

Tinuro naman nito ang naka-bukas na tv kung saan pinapalabas ang The Loud House cartoon na madalas nitong panuorin. Agad kong pinigilan ang sarili ko na tumawa.

"Leigh, cartoon lang iyan. Iniiyakan mo na?"

"Mahal na mahal nila ang isa't-isa pero nagkahiwalay pa rin sila." Ngumawa ito. "Love, paano kapag ikaw, iniwan mo ako sa huli?" Hagulhol nitong iyak.

Napangiwi naman ako. "Eh?"

"Hindi ko kakayanin, Arkesha, kapag ikaw nawala sa akin." Patuloy na iyak ni Leigh.

Bahagya naman akong nahabag nang makita ang masasaganang luha nito na umaagos sa kaniyang pisngi. Hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya nang mahigpit. Doon naman siya sa bisig ko humagulhol ng iyak. I kissed the top of her head. Pinapahirapan talaga siya nang pagbubuntis niya.

"I love you so much, Leigh." I whisper. "Mahal na mahal kita."

Saglit ko siyang kinalas sa pagkakayakap at pinunasan nang marahan ang luha nito. Ang panget mang tignan pero hindi ko mapigilan ang mapangiti habang nakikita siyang ganito.

"Why are you smiling?" She pouted.

Agad kong umiling. "Nothing."

Binalak kong yakapin siya muli ngunit tinulak na niya ako.

"Hmp. I hate you."

"Bakit?" Nagtataka ko itong tinignan.

"You're smiling. Gustong-gusto mo yatang nakikitang umiiyak ako."

Ayaw ko man ngunit hindi ko napigilan ang mapatawa nang mahina na lalong ikinainis niya.

"I'm sorry. That was not my intention why I smile," panunuyo ko.

"Eh ano?"

"I can't help it, Leigh, you're so cute. The way you own me, I really love it," I smiledly said.

Nasaksihan ko kung paano mangilid muli ang luha nito at mamula ang pisngi ngunit agad rin na nakabawi. "Tse. Binobola mo lang ako eh."

Hindi ko na talaga napigilan ang pagtawa ko.

Hinampas-hampas ako nito sa braso. "I hate you. I hate you. I hate you. Ugh." Nanggagalaiti nitong anas.

Tumawa ako habang binubulong dito kung gaano ko siya kamahal.

"I love you too but I hate you. Ugh." Patuloy na hampas ni Leigh sa akin.

Natigil kami sa paghaharutan nang tumunog ang doorbell ng condo.

"Do you have any expected visitor?" tanong ko kay Leigh.

Iling naman ang naging sagot nito.

"Sige, dito ka lang. Ako na titingin kung sino."

I kissed Leigh on her forehead bago tumungo sa pinto para pagbuksan ang kung sinumang bisita.

Natigilan ako nang pagbukas ko nang pinto ay bumungad sa akin si Lyle. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko makita ang lalaking minsan kong minahal sa ganitong estado.

Medyo malayo kami sa isa't-isa ngunit sumisingaw sa kaniyang katawan ang amoy ng alak. Parang ilang araw itong hindi naligo dahil sa kaniyang ayos. Parang hindi ito ang Lyle na huli kong nakita noong nakaraan. Napakadungis nito. Hindi rin nakaligtas sa akin ang namumugto niyang mata.

[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon