Chapter 46

1K 35 4
                                    

Arkesha's POVs:

After three consecutive days of confinement sa wakas ay pinalabas na ng hospital si President Leigh, but the doctor strictly advised her for a complete bed rest. Kaya maigi akong hinabilinan ni Mr.Alastair na bantayan at alagaan si President Leigh sa condo nito, at siya na daw ang bahala sa kompanya. Alam niya kasing pasaway ang president at baka tumakas pagkatapos ay pumasok pa rin.

Ngayon ay mataman akong pinapanuod ni President Leigh mula sa isang sulok habang nililinis ko ang condo niya. Magluluto pa ako pero maya-maya na masyado pang maaga upang kumain. Kung tutuusin hindi kasama sa trabaho ko ang pagsilbihan siya pero ewan ko ba kung bakit walang reklamo ko itong ginagawa.

"My love," maya't-mayang pagtawag nito sa akin.

Kanina pa siya namimilipit na tulungan ako, ngunit dahil mahigpit na ipinagbabawal ng doctor na mapagod siya, kaya nang makulitan ay hindi ko na siya pinapansin. Bahagya ko siyang sinulyapan, naka-nguso ito na mababakas mo sa mukha ang pagkabagot. Hindi ko siya inintindi at nagpatuloy sa ginagawa.

Nagulat na lang ako nang biglang may yumapos sa akin mula sa likod pagkatapos ay pinunasan ang mga pawis ko sa mukha.

"Miss President!" sita ko sa kaniya.

"You're sweating too much, my love," ani nito.

"I'm fine." Kinuha ko sa kamay niya ang tuwalyang pinampamunas niya sa akin.

Muli itong ngumuso. "Sabi ko, tulungan na kita eh."

"I'm fine," giit ko.

Mas lalong humaba ang nguso nito dahil sa sinabi ko/ "Gusto ko lang naman tulungan ka eh," pagmamaktol nito.

Inalis ko ang pagkakayakap niya sa bewang ko.

Agad na nangilid ang luha nito. Umalis siya na bakas ang lungkot sa mga mata. Napabuntong hininga na lang ako habang hinahatid ng tingin ang likod niyang palayo.

Napailing na lang ako at pinagpatuloy na lang ang ginagawa ko kanina.

Nang matapos, pinunasan ko ang pawis sa mukha ko gamit ng laylayan ng damit ko. Grabe, parang may lasenggerang multo dito sa condo niya na nag-iwan ng sandamakmak na kalat at bote ng alak.

Habang tinatali ko ang dalawang malaking garbage bag na puno ng basura at kalat ay napahinto ako nang may maamoy akong parang nasusunog. Saglit kong sinundan ang naamoy at napatigil nang dalhin ako ng mga paa ko sa kusina. Isa lang ang pumasok sa isip ko.

Si Leigh!

Bigla akong napatakbo papunta sa kusina. Hindi ko na inintindi ang nasa paligid ko. Alisto kong inilayo si Leigh sa nagliliyab na apoy sa frying pan pagkatapos ay saka kinuha ang fire extinguisher na nakatabi sa isang sulok. Agad kong inapula ang apoy at para akong lantang gulay na napaluhod na lang pagkatapos. Nawalan ako ng lakas sa sobrang kaba sa kung anong pwedeng mangyari kung hindi ko agad napatay ang sunog.

Halos himatayin ako sa bilis ng kabog ng dibdib ko.

Napalingo ako kay Leigh nang makarinig ako ng paghikbi mula sa kaniya.

"Hey, come here. Why are you crying?" wika ko rito.

Tumakbo ito sa akin at at dinamba ako ng yakap.

Nawalan ako ng balanse at pareho kaming bumagsak sa sahig. Agad itong nagsumiksik sa leeg ko at umiyak. Puro 'sorry' ang bukambibig nito. Bahagyang nahabag ang kalooban ko. Nag-aalangan ang mga kamay kong hinaplos ang buhok nito.

Sa huli ay nagpaubaya na lang ako sa sarili ko. Masuyo ko na ngayon at marahang hinahaplos ang likod ni Leigh.

"I-It's okay," I whisper to cheer her feelings up.

[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon