Chapter 31

1K 45 5
                                    

"Aalis ka na agad?" tanong ko kay Lyle pagkalabas ko ng kusina. Tatawagin ko pa sana ito sa para sa agahan ngunit natanawan ko na siyang nakabihis at naghahanda na paalis.

Lyle just hummed in return. He's already tying his neck tie.

"Hindi ka ba sasabay?" patuloy kong isa.

Lumapit ako dito at ako sana ang mag-aayos ng neck tie nito, ngunit iniwas nito ang sarili sa akin.

"Magco-commute na lang ako. May dadaan pa kasi ako," he sternly stated.

Pinagmasdan ko ito na patuloy sa ginagawa. "Kahit kumain ka man lang muna ng agahan bago umalis."

"Nagmamadali kasi ako. May dadaanan pa nga ako." Bahagyang nagtaas ang intensidad ng tono nito.

Sandaling natigilan ako dito ngunit pilit kong pinangiti ang mga labi. "Gan'on ba? Sige, mag-iingat ka na lang sa pagpasok," tugon ko na lamang.

"Alis na ako," huli nitong sinabi bago tuluyang lumisan.

Hindi ko napigilang mapangiti nang mapait nang tuluyan itong makaalis

Nawawalan na ako ng pag-asa na maibabalik pa ang dating kami. Nang dumating si Noah sa buhay namin akala ko noon kahit papaano ay mababalik ang dating Lyle sa akin dahil meron na akong pinanghahawakan sa kaniya.

Nagkamali ako.

Mas lalong lumamig ang pakikitungo niya sa akin. Sa katunayan nga ay madalas ko siyang nakikitang abala sa kaniyang cellphone nitong mga nakaraan. Bilang babae ay malakas ang hinala ko na maaaring nangangaliwa siya at may iba na.

Ngunit nakakatawa lang, hindi ko magawang komprontahin siya dahil parang sampal na rin iyon sa akin dahil isa rin ako itong nagloloko. I'm cheating with a woman, I am cheating with President Leigh.

****

"Why?" tanong ko kay Lyle na naka-upo ngayon sa driver seat habang ako ay nasa kaniyang tabi. Pauwi na kami ngayon sa bahay.

Halos maka-ilang beses kasi ako nitong sinusulyapan ng tingin mula nang makasakay kami dito sa sasakyan. Palipat-lipat ang kaniyang tingin sa kalsada at sa akin.

"Nothing," sagot nito. Umayos ito ng upo at ibinaling na ang atensyon sa harap.

Nagkibit-balikat na lamang ako at tinuon ang atensyon sa labas ng bintana. "Okay."

Ilang segundo makalipas ay muli akong napalingon sa kaniya nang tumikhim ito.

"Say it," I demanded, dahil para itong may gustong sabihin kanina pa.

Ngunit ang mga sumunod na sinabi nito ay waring nagpatuyot ng lalamunan ko.

"You have a lipstick stain on your collar," he stated.

Awtomatikong natigilan ako dahil sa sinabi niyang iyon. Lihim akong nakaramdam ng pagkataranta ngunit pilit kong pinakalma ang sarili upang hindi niya maramdamang may kakaiba.

Sigurado akong ang nakikita ni Lyle na 'lipstick stain' sa kwelyo ko ay galing kay President Leigh.

I simply fixed my collar and cleared my throat before speaking up.

"H-Huh? Talaga? Saan?" maang-maangan kong tanong na lamang.

Labis na kaba ang nararamdaman ko ngayon ngunit pinilit kong magmukhang kalmado kahit hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko ngayon.

[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon