Chapter 36

1K 46 1
                                    

"Pumunta na kasi tayo," pangungulit ko.

"No."

I pouted. "Sige na."

"I said no."

"Leigh," pagtawag ko rito.

"Still a no."

"Sulitin na natin ang huling araw natin dito sa Japan."

"No," she firmly said.

"Ako na nga lang pupunta doon."

"Subukan mo lang, uuwi ka talaga pabalik sa Pinas mag-isa," seryosong banta nito.

Nasa kwarto kami at magpapahinga na nang maalala ko ang kwento ni Secretary Heki na ngayon ang festival sa bayan. Gusto kong pumunta doon pero ayaw naman pumayag ni Leigh. Nakaupo siya sa kama at nakasandal sa headboard habang abalang nagbabasa ng libro, ako naman ay nakahiga sa kandungan niya upang kulitin siya.

"Bakit ba kasi ayaw mo akong payagang pumunta sa festival?" pagmamaktol ko.

"Something bad might happen to you. Besides, your wound is still fresh," tugon nito na muling binalik ang atensyon sa librong binabasa.

"Pinagaling mo na, diba? Atsaka, kaya nga gusto ko sabay tayong pupunta sa bayan because I feel safe with you."

She sighed heavily at muling tumingin ng deretso sa mga mata ko. Mas lalo akong nagpa-cute sa kaniya. Tinodo ko ang puppy eyes at pouting technique ko. Sana madala siya sa pagpapa-cute ko.

"Say the magic word first, my love." Ngumiti ito at pinisil ang ilong ko.

Napabangon ako mula sa pagkakahiga sa kandungan niya. Napatingin ako sa kaniya pagkatapos.

"What magic word?" tanong ko.

Ngunit ang walanghiyang babae, imbes na sagutin ako ay binalik na lang niya uli ang atensyon sa ginagawang pagbabasa.

Pauso na naman ang babaeng ito. Ano bang magic word 'yon?"

"Leigh. Wuy." Sinundot-sundot ko ang tagiliran nito.

"Hmm?"

"Anong ibig mong sabihin na magic word?"

Pero ang tibay niya talaga at hindi man lang ako nagawang balingan ng tingin.

Patuloy ko siyang kinukulit hanggang sa mapasimangot ako dahil hindi niya talaga ako pinapansin. Magmumukmok na sana ako sa isang tabi at hindi rin siya papansinin para magtampo pero bigla akong napangisi nang isang ideya ang pumasok sa isip ko.

Bumaba ako ng kama at tumayo sa harapan niya. Dahil doon ay naagaw ko ang atensyon niya at nakataas ang isang kilay niyang pinapanood ako sa ginagawa kong marahang pag-tanggal ng ponytail ko sa harapan niya.

"What are you doing?" she ask.

"Trying to seduce you hanggang sa mapilit kitang pumunta na tayo sa bayan?"

"Do you think that will work?"

"Well, let's see," I seductively said.

Pagkatapos niyon ay unti-unti ko na ngang in-unbotton sa harapan niya ang blouse ko habang marahang lumalakad sa kaniya palapit. Dagdag pa sa pang-aakit na ginagawa ko ay ang mga namumungay kong mata na deretsong nakatingin sa mga mata niya rin.

Noong una ay pilit niyang hindi ako pansinin muli ngunit alam kong nagtagumpay na akong makuha ang atensyon niya. May pasulyap-sulyap pa siyang nalalaman. I secretly smirked. Ito pala ang epekto ko sa kaniya.

Nang halos nasa tapat na ako ng kama ay marahan akong gumapang palapit sa kaniya habang hindi ko pa rin inaalis ang mga mata ko sa kaniya. Tuluyang nabaling na nga ang tingin niya sa akin nang inalis ko sa mukha niya ang hawak na libro.

[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon