Chapter 2

1.7K 66 1
                                    

"Arkesha Larqueza na pinapanganak sa barong-barong noong panahon ng kupong-kupong!"

Nagising ako mula sa malalim na pagtulala dahil sa malakas na boses ni Marj para lang makuha ang atensyon ko.

"Ito na 'yong kalahati ng mga chocolates na pinadala ni Adamson sa akin gaya nang pangako ko dahil tinake-over mo ako kagabi." Tuwang-tuwang inabot ni Marj ang tatlong pirasong chocolate bar.

"Kalahati? Eh tatlo lang 'to?" Itinaas ko ang chocolates na hawak. "Anim na chocolates lang ang binigay ni Adamson mo?"

"Ayy hindi 'no. Hindi naman gan'on ka-cheap si Adamson. Papayag ba akong maging jowa niya kung gigipitin niya ako ng chocolates. Paano pa ang mga magiging anak namin pag gan'on. Charot. Kaya tatlong piraso na lang ang natira sayo kasi syempre binigyan ko pa ang buong angkan ni Aleng Tina para pautangin kami uli sa Avon niya, atsaka syempre bibigyan ko pa sina Bree at Sir D'lo pati yung iba maliban kay Raquel para may matira sayo," mahabang litanya na naman ni Marj.

Napailing na lang ako dahil sa sobrang haba na agad ng sinabi nito.

"Wuy, tirhan mo ang extra kong inaanak ah, padala kamo ng extra niyang ninang na di nakaaabot sa binyag niya," tukoy ni Marj kay Noah.

Sobra siyang na-cute-an sa anak ko at gusto niyang maging inaanak sana ito pero dahil bago ko lang naman siya nakilala kaya extra'ng ninang na lang ang tawag niya sa sarili. Biro pa nga niya, ipabinyag ko daw uli si Noah para daw malinis na malinis ang anak ko at pasok na pasok sa langit tapos siya lang ang ninang para siya lang kakain ng lumpiang shanghai na handa.

"Oo na lang, Marj. Sa dami ng sinabi mo parang hinigop mo na lahat ng letra sa buong Pilipinas," tugon ko na lang.

"Ow-kay, ang havey mo d'on sa parteng yun teh pero tanggap kita kahit ganyan ka..." Parang baklang tawa nito dahil sa tinis ng boses, "Charr lang."

"Alam mo, kung minsan nagdududa talaga ako na baka bakla ka dati na nagpa-transgender lang. Baka dati ka palang Mark na naging Marj," hirit ko na lamang upang makaganti.

"Ano ka ba, bebs? Ni pambayad sa Wifi namin sa bahay ay kinukulang na kami, pang-opera pa kaya ng vagina este cock or whatever," she boldy retorted.

Hindi ko na lang siya inintindi at nagsimula nang magpalit ng uniform dito sa maintenance crew room.

"Nga pala, d'on ba sa 14th floor ay nililinis mo rin ang office ni President Leigh?" usisa ko nang maalala ang tungkol doon.

Napatigil si Marj sa ginagawang paghuhubad ng damit at napalingon sa akin.

"Ayy oo, bebs, kaso inaabot na ako doon minsan nang pasado alas-otso ng gabi nang uwi dahil kung anong oras na rin umaalis si President Leigh," sagot ni Marj.

Napatango ako. "May nakikita ka bang matanda sa loob ng office ni President Leigh?" dagdag kong tanong.

"Matanda? Ayy iba na 'yan bebs ah, wag ka namang manakot nang ganyan dahil ako na lang ang natitira sa gabi pag naglilinis d'on."

"Loka, hindi iyon.." Nairapan ko ito dahil sa kagagahan niya. "Natanong ko lang kung may matanda bang bumibisita sa kaniya."

"Presidente siya syempre at di maiiwasan may dumalaw na kung sino-sino pero madalas sa lobby o sa labas ng company ang meeting place kung may appointment sa kanya," sagot nito, "Ang alam ko kasi tanging yung secretary niya lang, sina Chairman at Director Sandoval pati Sir Freire lang yata ang nakakapasok sa office niya. Maswerte nga ako kasi araw-araw ako d'on."

Secretary niya? Chairman? Director Sandoval? Sir Freire?

"Waeyo?"

"Huh?" Napatanga ako kay Marj dahil sa sinabi niya.

[UNDER REVISION] Sshhh....Let's Make a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon