"So, you're the wife of my grandson? The mistress of the Dark Alpha Society and Divinchie Famiglia."
Halos tumayo ang mga balahibo ko sa batok nang marinig kong magsalita ang lolo ni Kairo. Ang kaninang kalmado kong paghinga ay halos bumagal, bahagya rin akong napakapit sa dulo ng damit ni Kairo.
Tama nga sila, masyadong nakakatakot ang lolo ni Kairo. Walang emosyon ang mukha nito at ang boses nito ay sing lamig ng yelo. Parang pinaghalong version ni Kairo at ng dad niya kapag nagseseryoso.
Presensya pa lang nito, alam mo na kaagad na makapangyarihan at ginagalang siyang tao. Nakaupo lang siya swivel chair niya habang naninigarilyo samantalang kami ay nakatayo sa harapan niya.
"Stop scaring my wife, old man," singit ni Kairo na parang wala lang sa kanya ang presensya ng lolo niya.
"Kai, bibig mo," mahinang awat ko kay Kairo
"Are you scared, hija? Am I that scary for you?"
"Yes, ah, I mean no sir," agad na bawi ko sa unang sagot ko. Dahil sa gulat nang muli siyang nagsalita ay yes ang naging sagot ko imbis na no.
Totoo naman talagang nakakatakot siya pero nakakahiya namang aminin 'yun, baka sabihin niya duwag ang napangasawa ng apo niya.
"Come on, don't be scared, young lady. I don't bite," tumawa pa ito ng mahina bago nilagay ang upos ng sigarilyo sa ashtray.
Gosh! Nasa genes talaga nila Kairo ang pagiging gwapo. Kahit ang lolo niya na matanda na ay halata pa rin ang pagiging gwapo nito, paano pa kaya nong bata pa siya, sigurado rin akong maraming babae ang umiyak dito. Ang tangos ng ilong, tapos ang kinis ng mukha. Kahit isang maliit na tigyawat, mahihiyang tumungtong sa mukha niya.
Hindi na ako magkakaproblema sa magiging lahi ng anak ko, mula lolo niya hanggang sa kay Kairo walang palya ang mukha. Ako na ang bahala sa ugali, kay Kairo na ang mukha.
"Stop talking shits and tell me what you want. My wife and I need to rest," tila naiinip na saad ni Kairo at ikinawit ang kaliwang kamay sa bewang ko. Dahil sa ginawa niya ay binitawan ko ang suot niyang damit at umayos ng tayo.
"Why so eager to leave my office, Kalix? Anyway, I need to talk to you about the issue between you and La Famiglia Integrale. I heard you almost declare a war between your organizatios and them? Are you crazy?"
"Let my wife sit first before you start an argument with me."
Hindi na hinintay ni Kairo na sumagot ang lolo niya at iginaya ako sa isang single sofa. Akala ko uupo siya sa isa pang sofa pero tumayo lang siya sa likuran ng kinauupuan ko.
Medyo nahiya tuloy ako sa lolo niya. Wala naman pala akong iaambag dito kundi maupo at makinig lang sa usapan nila.
"Answer my question, Kalix, don't make me repeat what I have said," mariing saad ng lolo niya
"What do you want to hear? That I killed their men who always follow my wife wherever she go or the one where I almost declare a war between them," malamig na sagot ni Kairo na ikinalaki ng mata ko.
Ngayon ko lang nalaman na may pinatay siyang tauhan ng La Famiglia Integrale, wala siyang nababanggit na ganito sa 'kin pwera sa pagdedeklara niya sana ng war laban sa kanila.
"Are you really out of your mind? You almost sacrifice your organization. Tell me a fucking good reason why did you do that." Ang kaninang mukha ng lolo niya ay napalitan ng galit dahil sa naging sagot ni Kairo.
"My wife, she's a good reason."
"Right, your obsession with this woman. A woman who can't even protect herself," may halong sarkasmo na pagkakasabi ng lolo niya.
BINABASA MO ANG
His Standard Wife (Dark Alpha Society)
General FictionJustine is a typical trouble maker lady who wants to hop in different clubs and a famous car racer while Kairo is a mafia boss who wants to bed different ladies. After an incident, they became best friends for years until Kairo had a problem because...