"Wife, come on, talk to me, please. Kagabi mo pa ako hindi kinakausap," pagmamakaawa ni Kairo sa 'kin.
Kanina pa niya ko kinakausap pero hindi ako kumikibo sa kanya. Pagkatapos ng pag-uusap namin kagabi ay hindi ko na siya kinausap pang muli.
Kakatapos ko lang maligo at ito namang si Kairo ay hindi ako tinigilan. Kahit pagpasok ko sa walk-in closet, nakasunod pa rin siya.
"Wife, I'm sorry. Talk to me, please. Alright, I will tell you after we face the council," pakiusap ni Kairo pero patuloy pa rin ako sa pagbibihis at hindi pinansin ang sinabi niya
Narinig ko ang paghinga niya ng malalim at ang sunod-sunod na murang pinakawalan niya, pero dinaanan ko lang siya na parang hangin.
Muli akong naglakad at handa na sanang lumabas ng kwarto nang huminto ako at nilingon siya. Napahinto rin naman siya at nagtatakang tiningnan ko.
"Mauna ka, mansion niyo 'to," walang ganang saad ko sa kanya
"Thank God! I heard your voice again," tila nahimasmasang sagot niya
Hindi ako sumagot at hinintay lang siyang humakbang pero nanatili lang siya sa kinatatayuan niya. "I'll walk behind you," saad niya
Hindi ko na siya hinintay pang magsalita ulit at nauna na lamang lumabas ng kwarto. Nagulat pa ako nang kasabay kong lumabas si Drake galing sa katabing kwarto.
"Magandang umaga, ma'am, boss," bati niya sa amin ni Kairo
"Magandang umaga kahit walang maganda sa umaga ko," wala sa mood na sagot ko sa kanya
Nawala naman ang ngiti niya at nagpalipat-lipat ang tingin sa amin ni Kairo.
"Ay bakit naman, ma'am?" gulat na tanong niya
"Tanungin mo iyang amo mong walang masagot na tama," asar na sagot ko sa kanya
"LQ kayo boss?"
"Shut the fuck up, Drake," galit na saad ni Kairo.
Siya pa may ganang magalit ngayon samantalang siya itong may kasalanan. Hangga't wala siyang sinasabi kung sino ang babaeng 'yun, wala siyang makukuhang matinong salita galing sa 'kin.
"Sabi ko nga eh," kakamot-kamot na saad ni Drake.
Muli na akong naglakad at pumasok sa elevator, sumunod naman sa akin si Drake at Kairo. Pagpasok pa lang ay pinagkrus ko na ang dalawang kamay ko sa harap ng dibdib ko kaya si Kairo na mismo ang nagpindot.
"Wife p-"
"Huwag mo akong kausapin hangga't hindi mo sinasagot ang tanong ko," walang gana kong putol sa sasabihin niya.
***
"My company is doing good, as well as the organizations," sagot ni Kairo sa lolo niya
Nang magsimula kaming kumain ng agahan ay puro business at organisasyon lang ang usapan nilang dalawa. Samantalang kaming tatlo nina Uno ay tahimik lang na kumakain, lalo na ako.
Jusko! Wala akong kaalam-alam kung paano patatakbuhin ang business ni Kairo at kung paano niya ito i-handle, yari talaga ako kapag tinanong ako ng lolo niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/280105174-288-k216347.jpg)
BINABASA MO ANG
His Standard Wife (Dark Alpha Society)
General FictionJustine is a typical trouble maker lady who wants to hop in different clubs and a famous car racer while Kairo is a mafia boss who wants to bed different ladies. After an incident, they became best friends for years until Kairo had a problem because...