***
Samantha's POV
Sinakluban ako ng nerbiyos nang maisend ko ang litrato kong naka sexy black costume kay Allison. Oo nga't sinadya ko iyon ngunit hindi ko naman alam ngayon ang gagawin ko. Siguro ay nasa isang oras na akong naglalakad ng pabalik balik dito sa play room niya habang kagat kagat ang daliri ko at panaka panakang sinisilip ang cellphone ko kung nag reply na ba siya. Ngunit wala itong reply.
Mas lalo lamang akong kinabahan dahil hindi man lang niya sinagot ang mensahe ko. Pakiramdam ko ay kakabagan na ako dahil dito sa suot ko.
Ito na lamang ang tanging naiisip ko dahil kung hindi ko pa siya makikita ay baka mabaliw na ako. My feelings for her is not a joke anymore. Mahal ko na siya at hindi ko kayang mawala siya.
I never imagined myself being crazy over her. Sabihin niyo ng baliw ako pero ito yata talaga ang epekto niya sa akin. Ang epekto ng labis kong pagmamahal sa kaniya.
I know we had a contract, that if ever my dominant wants to leave me without further notice, she will leave me.
Pero bakit tila hindi ako handa sa ganoon. Hindi ako handang maiwan ni Allison. Takot na akong iwan ulit ng taong mahal ko.
Maybe it's too late to tell her what I feel. That I love her. I really do.
Natigilan ako sa pabalik balik kong paglalakad nang makarinig ako nang footsteps mula sa labas. Iniwan ko kasing bukas ng kaunti ang pinto ng playroom upang malaman ko kung paparating na siya.
Mabilis akong tumakbo palapit sa pinto at lumuhod sa harapan nito. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko nga ay lalabas na ito.
Mariin akong napapikit nang marinig ko ang langitngit ng pinto. Senyales na may pumasok roon.
Shit!
Hindi ko na alam kung ano pa ang nararamdaman ko. Naghalo na ang excitement at kaba.
Nang tuluyan nang bumukas ang pinto, ay literal na natigilan ako. Dahan dahan akong tumingala at iniluwa na nga nito ang kanina ko pang hinihintay.
Saglit kaming nagkatitigan, ngunit siya ang unang umiwas. Namuo ang luha sa gilid ng aking mga mata.
Totoo ba ito?
Totoo bang narito siya sa harapan ko?
"WHAT MAKES YOU COME HERE?!" Umalingawngaw ang kabuuan ng kaniyang boses sa loob ng playroom at isinabay pa niya ang malakas na pagsara ng pintuan.
BINABASA MO ANG
Seduced By A Lesbian: Allison
RomanceIn a tumultuous tale of love and self-discovery, Samantha finds herself at a crossroads after the end of her nine-year relationship with Janus. Struggling to move on, she encounters Allison, a dominant lesbian whose magnetic presence pulls Samantha...