***
**Riririring**
**Riririring**
Napabalikwas si Samantha sa kinahihigaan nang marinig ang tunog ng kaniyang telepono. Mabuti nalang at hindi nagising si Bria, na mahimbing na natutulog sa tabi niya.
Napansin pa niyang galing ang tawag sa isang unknown number. Nag-aalangan man, kinuha niya ang cellphone at saglit na tumitig sa screen.
Hindi niya alam kung bakit, pero naramdaman niyang dapat niyang sagutin ang tawag.
Huminga muna siya nang malalim bago pindutin ang green button.
"H-Hello?" bati niya, gamit ang tinig ng taong bagong gising.
"Hi! Nakapag-isip ka na ba?" Dumagundong ang boses sa kabilang linya, puno ng energy, na tila ba kanina pa ito naghihintay na sagutin ang tawag niya. Pakiramdam pa niya ay malaki ang ngiti nito sa kabilang linya.
"Allis- Paano at saan mo nakuha ang number ko?" tanong ni Samantha, naguguluhan at nagtataka sa bilis ng pangyayari.
"Hindi na mahalaga 'yun!" natatawang sambit ni Allison mula sa kabilang linya, hindi na pinansin ang tanong ni Samantha.
"I just need an update regarding on your decision." Dagdag nito.
"Just give me more time! Kagabi lang tayo huling nag usap!" inis na sagot ni Samantha bago agad ibinaba ang tawag.
Nagpalinga-linga siya sa silid, pilit na inaalis sa isip ang tawag na iyon, pero hindi niya maiwasang magalit-hindi lang kay Allison, kundi pati na rin sa sarili niya.
Sa totoo lang, hindi pa siya sigurado kung tatanggapin niya ba ang offer na maging bahagi ng team ni Allison at magtrabaho para dito.
Napakaraming alaala at damdamin ang muling bumabalik, mga bagay na akala niya'y matagal nang nakabaon sa nakaraan.
Matapos ang labinlimang minuto ay muling nag-ring ang phone ni Samantha at inis na sinagot ito.
"Sinabi ko na nga diba na pinag-iisipan ko pa. Bakit ba ang kulit---"
"Hi, good morning! This is Lucelle from Savor and Sip Bistro, is this Ms. Samantha Torres?"
Natigilan si Samantha. Hindi niya inasahan na ibang tao na pala ang tatawag at kausap niya.
BINABASA MO ANG
Seduced By A Lesbian: Allison
RomanceIn a tumultuous tale of love and self-discovery, Samantha finds herself at a crossroads after the end of her nine-year relationship with Janus. Struggling to move on, she encounters Allison, a dominant lesbian whose magnetic presence pulls Samantha...