Chapter 51

1.1K 19 6
                                    

***

Mahigpit na napakapit ang dalaga sa strap ng bag na nakasabit sa kanang bahagi ng kaniyang balikat. Pakiramdam nito ay mawawasak ang dibdib niya sa lakas ng kabog nito.




Dinala siya ng kaniyang sariling mga paa sa harap ng pintuan ng apartment. Ang address na ibinigay sa kaniya ni Rita. Nakatitig lamang siya roon at tila nawalan ng lakas ng loob na katukin ang pinto na nasa harapan niya na.








*Ririririririringgg*










*Ririririririringgg*










Samantha was about to knock the door when her cellphone rings. Hindi niya muna iyon pinansin at akma na namang kakatok nang muli itong tumunog.









*Ririririririringgg*











Hindi niya namalayan na tumatawag pala sa kaniya kanina pa si Rita. At ngayon naman ay unregistered number ang tumatawag sa kaniya.








*Ririririririringgg*









"Hello?" Mahina nitong tugon.









"Magandang hapon po, si Ms Samantha po ba ito?" Tila mas lumakas ang kabog ng kaniyang dibdib nang isang bruskong boses ang narinig niya mula sa kabilang linya.









"Oho, si. . sino ito?" Umatras ang dalaga mula sa tapat ng pinto at madaling tumakbo papunta sa hagdan.









"This is police officer, Gonzales." Kunot noong hinihintay niya ang susunod na sasabihin ng kausap. Bakit naman may pulis na tatawag sa kaniya?








"Nakuha ko po ang number niyo sa cellphone ni Ms. Rita. Kayo po ang huli niyang tinatawagan bago siya——"









"Si Rita? Anong nangyari sa kaniya? May nangyari bang masama sa kaniya? Nasaan siya? Kamusta siya." Histerikal na tanong nito.









"Miss, kumalma po muna kayo." Hindi na niya pinakinggan ang iba pa nitong sinabi at mabilis na bumaba mula sa hagdan ng apartment na iyon.










Ngunit napatigil siya sa mga sumunod na hakbang nang marinig niya ang paglangitngit ng pinto, senyales na bumukas ang isa sa mga pinto na naroon.






"Miss Samantha, nandiyan pa po ba kayo?"









"H-Ha? O-oo." Nanginginig na sagot nito.









"Isinugod na po siya ngayon sa hospital." Nanigas siya sa kinatatayuan niya nang marinig ang balitang iyon mula sa pulis na tumawag sa kaniya.









Seduced By A Lesbian: AllisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon