Chapter 14 *SPG*

5.5K 73 0
                                    



***

Samantha's POV





"Saan ba tayo pupunta?" I was blindfolded by Allison habang bumabyahe kami papunta sa kung saan. Nilisan na namin ang awards night pagtapos niyang makuha ang award niya. Bigla nalang niya kasi akong hinila paalis sa lugar na iyon, sa lugar na ayoko ng balikan.





Paulit ulit na tumatakbo sa isipan ko ang mga sinabi sa akin ni Rita kanina. Pati na rin yung pagkaparehas namin ng kwintas. Required ba talaga na pare parehas ang kwintas naming mga submissive ni Allison?





"It's a surprise, bakit ko sasabihin sayo?" Natatawa niyang sambit. Pinilit kong irelax ang sarili ko habang nakaupo sa passenger's seat. Mukhang sa langit niya ako dadalhin ngayon ah. Ito na ba ang binabanggit niyang ibibigay niya saking award? Bumalot sa katawan ko ang excitement.





"Ali. ." Mahina ko siyang tinawag.





"Hmm?" By just hearing her voice I know that she was smiling.





"Thank you." Kinapa ko ang kamay niyang nakahawak sa kambyo ng sasakyan niya. Hindi ko alam kung bakit ako nagpapasalamat. Siguro ay dahil sa hindi ko maintindihan na nararamdaman ko ngayon. Dahil sa kaligayahan na ibinibigay niya. Hindi ko na iniisip yung sinabi sa akin ni Rita, dahil mas dapat kong pagkatiwalaan si Allison. Siya lang ang dapat kong paniwalaan.






Bumaba na kami sa sasakyan niya habang inaalalayan akong maglakad ni Allison. Wala pa rin akong ideya kung saan niya ako dadalhin. Hindi pa rin niya kasi ipinatatanggal ang blind fold na nakatakip sa mga mata ko.





Patuloy lang kami sa paglalakad, at bigla nalang lumubog ang heels ko sa buhangin at naamoy ko ang dagat. Lihim akong napangiti. Dito lang naman pala kami pupunta sa rest house niya e, bakit kailangan niya pa akong piringan.





"Wait here." Bulong niya sa akin at hinalikan ako sa sintido. At bigla nalang siyang nawala na sa tabi ko. Napayakap ako sa sarili dahil sa malamig na hangin na humahaplos sa balat ko.






"Ang dami mong alam, Ali!" Natatawang sambit ko.





"Pwede mo ng tanggalin yung piring mo." Dahan dahan ko nga iyong tinanggal at nakita ko siya sa harapan ko. Nakangiti siya habang may hawak na bouquet of white roses. Siguro ay nag research pa siya tungkol sa akin at alam niyang white roses ang paborito kong bulaklak.





Pero bukod sa kanya ay nakita ko mula sa likuran niya ang isang romantic dinner set. May mga kandila na naka kalat sa buhangin na sinadyang ihugis na parang puso. May mga petals din ng red roses na nagkalat sa dadaanan namin. Naiiyak ako sa galak.





Inilahad ni Allison ang kamay niya sa akin at hindi na ako nagdalawang isip na hawakan iyon.





"You made all of this?" Tuluyan ng tumulo ang luha ko. Dati ay pinapangarap ko lang ito pero heto na ngayon at nasa harapan ko na. Bakit kaya nagawa pa rin siyang iwan at lokohin ng ex niya kung ganito naman pala siya kasweet? At kung ganito naman pala siya karomantic.






"Yeah." She scratched the back of her head. Parang nahihiya pa sa pagsagot. "That's why I'm busy this past few days." Natigilan ako sa paglalakad at agad siyang niyakap.






"Bakit mo ba ginagawa 'to? Hindi pamilyar sa akin itong nararamdam ko." Pagtatapat ko. Gusto ko na ba siya?






"I like you Samantha. And I really do. Not just because you are my submissive, pero higit pa dun. Totoong nagugustuhan kita." Mas lalong nag ulap ang mga mata ko sa sinabi niya. Nagsasabi ba siya ng totoo? Dahil kung oo, ay sasabihin ko na ring nagugustuhan ko na siya.






Seduced By A Lesbian: AllisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon