Chapter 49

1K 20 10
                                    

***

"How can you be so sure on her statements?" Huminga na lamang si Samantha sa tanong na iyon ni Cheska mula sa kabilang linya. Tinawagan niya ito kaagad matapos nilang magkita ni Rita. Ipinamalita niya sa kaibigan ang ilang impormasyong nakuha niya mula sa dalaga.




"Baka nakakalimutan mong kinidnap ka ng babaeng 'yun!" Pagdidiin ni Cheska.




"Hindi niya ako kinidnap, tinulungan niya ako Cheska para mailayo ko ang sarili ko kay Allison." Mula sa sofa ay lumipat ng puwesto si Samantha at dumungaw sa veranda kung saan kita mula roon ang city lights.





"Pagtulong na pala ang tawag dun." Naramdaman niya ang pag ikot ng mga mata ni Cheska kahit pa hindi niya ito nakikita base lamang sa tono ng kaniyang boses.






"I need to go to this address."







"Anong address?" Ang tinutukoy nito ay ang address na naka imprenta sa maliit na papel na ibinigay sa kaniya ni Rita. Hindi maintindihan ni Samantha ang nararamdaman niya sa tuwing titignan niya ang papel na iyon.






Malakas ang kabog ng dibdib niya dahil bago pa sila tuluyang maghiwalay ng landas ni Rita ay sinabi nitong ang taong naka tira sa address na iyon ang nagpakalat ng mga videos niya.







"Samantha, nandiyan ka pa ba?"







"Yeah." Sagot nito at bumuntong hininga. Hindi na niya namalayan na kausap pa pala niya ang kaibigan dahil sa lalim ng iniisip nito. Hindi na siya nakapagpaalam kay Cheska bago niya tapusin ang tawag.







Nagpalakad lakad siya sa kabuuan ng sala. Naglalaro pa rin sa kaniyang isipan kung handa na ba siyang harapin ang may sala sa bagay na sumira sa buhay niya ng ilang taon.






Hindi nito alam kung bakit tila nabuhayan siya ng loob nang malaman niyang hindi si Allison ang nagpakalat ng videos na iyon.







"Oh, napadalaw ka?" Sa wakas ay lumabas na ang taong kanina niya pa hinihintay. Mahimbing kasi itong natutulog nang maabutan niya sa kaniyang kwarto at hindi na niya ito nagawang istorbohin pa.






"Kailangan ko ng tulong mo." Kunot noo lamang ang naging tugon sa kaniya nito.








"Tulong?" He smirked. "Anong klaseng tulong?"








"Let's go to this address." She stretched her arm while handing the paper to him. Malayo ang agwat nila sa isa't isa dahil ayaw ni Samantha na nagkakadikit silang dalawa.






Agad namang inabot iyon ng binata at saka tinitigan ang papel. Taas ang kilay nito habang pinagmamasdan ang sulat na nakaimprenta doon.







"Anong meron dito?" Tinapunan siya nito ng malagkit na tingin. Agad naman niyang iniwasan ang mga tingin na iyon at niyakap ang sarili.







"Saka ko na sasabihin sa'yo kapag nandun na tayo sa lugar na 'yan." Mabilis niyang nilagpasan ang binata at tinungo ang pintuan.










Seduced By A Lesbian: AllisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon