***
"Noong mga araw na 'yun, kinailangan ko ng malaking halaga ng pera. Kalahating milyon para sa pagpapa opera ng kapatid ko." Naiiyak na panimula ni Cheska.
"Anak..." Mabigat ang paghinga ni Mama mula sa kabilang linya. Hindi rin ito madalas tumawag sa akin. Mag isa lamang ako noon sa loob ng cafe. Kakatapos ko lang ibigay ang huling sweldo ng mga staffs. Ang huling pera na mayroon sa bank account ng cafe.
Wala na ang mga taong nagtiwala sa amin. Ang mga assets ay binawi na rin ng mga suppliers, ang tanging natira na lamang ay ang mga unang na-ipurchase ni Samantha noong nagsisimula pa lamang ang cafe. Ang mga regular customers ay hindi na muling tumangkilik dahil panigurado ay nakarating o napanuod din nila ang mga sex videos ni Samantha.
"Ma.." iyon lamang ang naisagot ko habang nakatulala sa kawalan. Madilim na ang kabuuan ng cafe, dahil pinutol na rin ang kuryente.
"Si Chelsea.. kailangan niya ng maoperahan sa puso.." Hindi ko na namalayan ang pagtulo ng luha ko. Pakiramdam ko na lamang ay pasan ko na rin ang mabigat na problema ng mundo.
Ang tahimik na cafe ay napalibutan ng mga impit na hagulgol. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Isa pa, ito lang naman ang trabahong mayroon ako.
"Wa..wala na bang ibang paraan, ma?" Halos pabulong na tanong ko. Hindi kaagad nakasagot si mama. Alam kong umiiyak na rin siya, ayaw niya lamang iparinig dahil alam niyang iyon ang kahinaan ko.
"Ma.. ayos lang ako. Huwag mo ng kulitin si Ate." Mas lalong nadurog ang puso ko nang marinig ko iyon mula sa kapatid ko. Ano pa kaya ang nararamdaman ni Mama nang marinig niya ang mga salitang iyon.
"Pasensya ka na, anak. Gusto lang naming madugtungan ang buhay mo.." Walang tigil sa pagtulo ang luha ko. Hindi ko na kayang marinig pa ang susunod nilang usapan kaya ibinaba ko na ang tawag nang hindi nagpapaalam.
Naihilamos ko sa sariling mukha ang luha ko. Gulong gulo na ang utak ko. Hindi ko alam kung kanino ako lalapit para humingi ng tulong. Kung mag lo-loan naman ako, ngayon pa lang ay hindi ko na alam kung kailan ko ito mababayaran at kung saan ako kukuha ng ipambabayad.
Nakarinig ako ng pagtikhim dahilan para matigilan ako sa pag iyak. Nilingon ko ang likuran ko kung saan makikita ko ang counter at kitchen area. Sa pagkakaalam ko kasi ay wala ng mga staff ang natira sa loob. Nagsi-alisan na sila na may hinanakit sa puso.
"May tao ba diyan?" Hindi ko maaninag ang paligid. Dagdag pa na nanlalabo ang paningin ko gawa ng natirang luha sa mga mata ko.
Hanggang sa nakarinig ako ng sunod sunod na tunog ng takong. Naglalakad ito papalapit sa kinauupuan ko.
"Uhm, sorry sarado na po kami." Sinubukan ko itong kausapin kahit pa hindi ko gaanong makita ang mukha niya. Nakapasok na pala ito sa pinto nang hindi ko namamalayan.
"Hindi ako bibili ng kape dito. Hindi naman masarap." Matapobreng sambit nito na dahilan para awtomatikong kumunot ang noo ko. Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at binuksan ang flashlight nito.
"Argh!" Reklamo nito nang direkta kong itapat sa mukha niya ang flashlight.
"Si...Sino ka ba?" Matapang kong tanong. Sa palagay ko ay mukhang katapusan na ng buhay ko. Hinawi naman niya ang kamay kong may hawak na cellphone.
BINABASA MO ANG
Seduced By A Lesbian: Allison
RomanceIn a tumultuous tale of love and self-discovery, Samantha finds herself at a crossroads after the end of her nine-year relationship with Janus. Struggling to move on, she encounters Allison, a dominant lesbian whose magnetic presence pulls Samantha...