Chapter 55

1.1K 35 12
                                    

***



"Saan ka galing?" Prenteng nakaupo si Cheska sa sofa nang maabutan ito ni Allison. Wala siyang imik na naestatwa sa likod ng pinto. Tumutulo pa sa sahig ang tubig ulan na nagmumula sa basa niyang damit.



"Hindi ba't ikaw dapat ang tinatanong ko niyan? May balak ka rin bang iwan ako sa ere?" Paos ang boses na tanong ni Allison. Si Cheska naman ngayon ang hindi makagalaw sa puwesto niya. Bakit bigla na lamang ibinalik sa kaniya ni Allison ang tanong.






"Ali..." maiyak iyak na lumapit ang dalaga kay Allison. Hinagkan niya ang mga kamay nito at dinala sa mga labi niya.





"Sshh, hindi ko gagawin sayo 'yun okay? Wala akong balak na iwan ka sa ere, pangako." Sabi ni Cheska, habang hinahawakan ang kamay ni Allison nang mahigpit. "Hindi ko kayang gawin sayo yung ginawa ni Samantha. Mahal kita at hindi kita iiwan, alam mo yan." Paglalambing ni Cheska ngunit mabilis na umiwas sa kaniya si Allison.





"Kung saan saan kita hinanap, Cheska! Ilang linggo akong naghintay sayo! Hindi mo ba alam yun?" Nabigla ang dalaga sa iniasta ni Allison dahil ngayon niya lang nakitang nagalit ito sa kaniya.






"I know, I know Allison." Ang pisngi naman nito ang hinagkan ni Cheska. Pilit siyang inaabot ng dalaga ngunit iniwas niya lang muli ang sarili niya na labis na ikinisakit ng damdamin ni Cheska.










"I'm sorry, Allison. Hindi ko na ulit gagawin 'yun. Hindi na kita iiwan." Allison took a deep breath.






"Sorry for what?"








"Sorry kasi pinag-alala kita." Nangingintab ang mga mata ni Cheska nang titigan niya si Allison.









"Iyon lang?" Tila hindi nakuntento si Allison sa paghingi ni Cheska ng tawad sa kaniya.









"Sorry kasi bigla na lang akong nawala." Taking a deep breath, she reached out and gently held Allison's hands.









Hindi umimik si Allison.









"Hindi mo pa rin ako papatawarin?" Cheska act like a child, doing some beautiful eyes.






"Hindi mo ba ihihingi ng tawad sa akin yung pagpapakalat mo ng videos ko?" Allison immediately notice Cheska's change in demeanor.







"A...Anong pinagsasabi mo?" Umaatras si Cheska mula kay Allison na kanina lang ay halos magdikit na ang kanilang mga katawan.







"Yung babae sa panaginip ko, at yung babaeng pumunta dito sa apartment. Marami siyang sinabi sa akin."  Paulit ulit na umiling si Cheska. Naramdaman niya rin ang biglang panghihina ng mga tuhod niya.







"Hindi ka dapat naniwala sa sinabi ng babaeng 'yun! Si Rita, si Rita yung totoong nagpakalat ng mga videos. Tapos... tapos si Samantha, itinulak niya si Rita sa bintana ng hospital! Mamamatay tao ang babaeng yun hindi mo dapat siya kinakausap!" Tuloy tuloy niyang sambit na halos ikasira na ng ulo niya.






Seduced By A Lesbian: AllisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon