"Good morning." bati ni Allison kay Samantha, prente itong nakaupo sa hood ng sasakyan niya, parang walang alalahanin sa mundo.
Ang isang kamay niya'y nasa bulsa, habang ang isa'y may hawak na kape mula sa isang mamahaling coffee shop.
"Morning." tugon ni Samantha habang inaabot ang kape mula kay Allison, saglit na nagtataka kung bakit ito biglang bumalik sa mga maliliit na gestures nito noon.
"Ready for your first day?" tanong ni Allison, may halong excitement sa boses. Tumango lang si Samantha, pilit na pinipigilan ang sarili na mapangiti.
"Kailangan bang sunduin mo pa talaga ako? Hindi naman ako tatakas." sabi ni Samantha, may halong biro at sabay na inirapan si Allison. Hindi niya maiwasang isipin na parang binabalikan na naman nila ang dating merong sila.
"Just making sure." sagot ni Allison, nagbibiro rin, pero may seryosong tingin sa mga mata niya. "Besides, I like driving you to work."
Napatitig si Samantha, ramdam ang kakaibang kilig na ayaw niyang aminin sa sarili.
"Well, let's get this day over with." sabi niya, bago tuluyang sumakay sa sasakyan.
Hindi mapigilang mapansin ni Samantha ang amoy sa kabuuan ng sasakyan ni Allison.
Amoy strawberry scent kasi 'yun na alam niyang paborito ni Samantha.
"Missed that scent?" Napaisip tuloy si Samantha kung bakit ito ginagawa ni Allison.
Hindi kaagad nakasagot si Samantha dahil sa hindi inaasahang pagkakataong naglapit ang mga mukha nila nang abutin ni Allison ang dulo ng seat belt at ikabit sa katawan ni Samantha.
Dahan dahang dumaplis ang kamay nito sa dibdib ni Samantha na ikinagulat niya.
Nananadya ba si Allison?
Amoy na amoy rin ni Samantha ang nakaka adik na amoy ng pabango ni Allison nang dumaan ito sa ilong niya.
Kaya naman napapikit siya nang mas lalo niyang amuyin ang pabango nito.
Bumilis ang tibok ng puso niya na para bang nakikipagkarerahan.
"You don't need to do that." Mahina nitong tugon, na para bang kinakapos siya ng hininga. Tukoy ni Samantha sa seatbelt na ikinakabit ni Allison. Habang si Allison naman ay ramdam ang init ng hininga ni Samantha sa pisngi niya.
Saglit niya itong nilingon at nagtama ang kanilang mga mata. Hanggang sa tinignan siya nito pababa sa mga labi niya.
"I love doing this for you." Hindi rin nakaligtas si Samantha dahil amoy niya ang mala-mint na hininga mula sa bibig ni Allison.
Kahit hangin yata ay hindi makakasingit sa pagitan nilang dalawa.
"Are you.." natigilan si Samantha, may gusto siyang itanong kay Allison ngunit hindi niya alam kung saan siya huhugot ng lakas ng loob para itanong iyon. Dahil alam niyang hindi naman siya makakakuha ng matinong sagot mula rito.
"What is it?" Magkalapit pa rin ang mga mukha nila, na para bang hindi man lang nakakaramdam ng ilang itong si Allison.
"Are you trying to seduce me?" Para bang nabunutan ng tinik sa lalamunan si Samantha nang lumabas iyon mula sa bibig niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/236579310-288-k188061.jpg)
BINABASA MO ANG
Seduced By A Lesbian: Allison
RomanceIn a tumultuous tale of love and self-discovery, Samantha finds herself at a crossroads after the end of her nine-year relationship with Janus. Struggling to move on, she encounters Allison, a dominant lesbian whose magnetic presence pulls Samantha...