Chapter 59

1K 24 9
                                    

***

"ANAK..." Maluha luhang nilapitan ni Samantha ang kaniyang ina na kanina lamang ay prenteng nakaupo sa sofa ng condo unit nito.

"Mommy!!" Hindi na nila napigilan pareho ang magyakapan kasabay ng malalakas na iyakan. Ang ama ng dalaga ay masayang nakatingin sa kaniyang mag ina. Hindi nito maipaliwanag ang kaniyang nararamdaman nang sa wakas ay nakita na nilang muli ang kanilang bunsong anak.

"Daddy!" Lumipat naman ng pwesto si Samantha para mahagkan din ang kaniyang ama.

"Hindi kami makapaniwala anak, na buhay na buhay ka!" Patuloy pa rin sa pag iyak ang kaniyang ina habang hinahaplos ang buhok nito.

Sa gitna ng malalim na emosyon, nagyakapan sina Samantha at ang kaniyang mga magulang.


Sa loob ng ilang taon, ang tanging impormasyong nalalaman lamang nila ay wala na sa mundong ibabaw ang kanilang bunsong anak na labis nilang pinag dalamhatian. Labis ang pagsisisi ng mag asawa noon dahil sa ginawa nilang pagtaboy sa kanilang sariling anak. Kung may pagkakataon nga lamang na maibalik nila ang panahong iyon, sana ay niyakap nila si Samantha at dinamayan sa mabigat nitong dinadala.

Ang saya at pagkabahala ay naghalo sa mga luha na bumubuhos mula sa kanilang mga mata. Hindi nila mapigilan ang kanilang mga sarili na yakapin at halikan ang isa't isa.

Sa sandaling iyon, napuno ng pagmamahal at kaligayahan ang maliit na condo unit. Ang mga salita ay hindi kinakailangan upang maipahayag ang kanilang nararamdamang kasiyahan. Ang simpleng pagyakap at pagpapakita ng pagmamahal sa isa't isa ay sapat na para sa kanila.

"Patawarin mo kami Samantha, anak." Panimula ng kaniyang ama. Basag pa ang tinig nito, na naging dahilan para mas lalo pa siyang maiyak. Hindi niya kailanman kakayaning makita na umiiyak ang mga magulang niya.

"Wala man lang kami sa tabi mo noong mga panahong nalugmok ka sa sakit at kalungkutan. Hindi namin lubos maisip kung paano mo nakayanan ang lahat ng iyon." Ang ina naman ni Samantha ay hinawakan ng mahigpit ang kaniyang kamay.

"Hindi ka man lang namin naipagtanggol sa mga taong nanakit at sumira sa'yo." Ngiti lang ang naging tugon ni Samantha sa ina at hinaplos ang pisngi nito. Hindi niya maipaliwanag ang ligayang nararamdaman ng puso niya.


"Pero lubos akong nagpapasalamat sa asawa mo, kung hindi dahil sa kaniya hindi namin malalaman ang pinagdaanan mo." Natigilan si Samantha nang sabihin iyon ng kaniyang ina. Binalot ng matinding takot at kaba ang puso niya nang marinig niya iyon.



"Ho?" Tila gusto niya pa itong ipaulit dahil pakiramdam niya ay nabibingi lamang siya.


"Hindi man lang kami nagkaroon ng pagkakataon na ihatid ka sa altar noong kasal mo, anak." Malungkot ang tinig ng kaniyang ama.


"Hindi namin akalain na sa hinahaba haba ng prusisyon ay sa simbahan pa rin pala ang tuloy niyo ni Janus." Bakas sa boses ng kaniyang ina ang labis na pagkatuwa nito.



"Pero mukhang pinagsisihan na po ni Samantha na ako ang pinakasalan niya." Muntik ng mahulog sa kinauupuan ang dalaga ng marinig niya mula sa kung saan ang pamilyar na boses na iyon. Hindi nito alam sa sarili kung bakit takot ang nararamdaman niya. Lalo na ngayon na nasa iisang lugar lamang sila at kasama pa ang mga magulang niya.

Seduced By A Lesbian: AllisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon