Chapter 20 *SPG*

3.8K 43 1
                                    


***
Samantha's POV





"Bottoms up, bottoms up!!" Tukso ni Kim at Cheska sa akin matapos kong hindi masagot ang katanungan nila sa nilalaro naming truth or dare. Napagdesisyunan kasi nilang mag inuman kami, at kasama din namin si Lucia. Namumula na ang mukha niya dahil naparami na rin ang nainom niya.






"Spin the bottle Sam!" Utos sa akin ni Cheska. Iniikot ko naman ang basyo ng bote sa ibabaw ng mesa.








Tumapat iyon kay Allison.








Saglit kaming nagkatinginan. Kanina pa kasi siya tahimik magmula noong lumabas siya mula sa kwarto niya.







"Truth or dare?" Si Kim ang nagtanong sa kaniya.









"Truth." Seryoso niyang sambit habang hindi pa rin inaalis ang tingin niya sa akin.








"Hmm. ." Sumalumbaba si Kim sa mesa at tila nag iisip ng itatanong.









"Do you still love me?" Lucia asks from nowhere.








"Huwag naman yang tanong na 'yan, alam naman nating hindi na e!" Pabirong asik ni Kim. Hindi tuloy namin napigilang matawa. Ang lakas din talagang mang asar e.








"I'm not asking you!" Akmang hahampasin niya si Kim nang pigilan iyon ni Cheska.







Cheska glared at Lucia with 'don't-you-dare-to-touch-her look'. Parehas ng masama ang tingin nila sa isa't isa. Kulang nalang ay sumigaw ako ng 'fight' at magsasabunutan na sila. Si Cheska pa talaga ang hahamunin niya, titig palang ng kaibigan ko ay nakakamatay na e.







"Do you have any dark secret?" Kabado man ako ay hindi na napigilan ng bibig ko ang itanong iyon. Salitan na napatingin ang tatlo sa amin ni Allison. Walang nagsasalita sa kanila na tila hinihintay ang isasagot ni Ali.








"Yes." Mariin niyang sagot sa akin. I accidentaly bite my lower lip. Pinipigilan kong hindi malaglag ang puso ko dahil sa kabang nararamdaman ko.








"W-What is it?" She just smirked at me. Parang sinasabi ng mga mata niya na, alam ko na yung sikreto niya pero bakit tinatanong ko pa.









"One question at a time right?" Napairap ako sa ere. Buwiset na Cheska at Kim 'to e, gumawa pa kasi ng rules na ganoon. Napaayos tuloy ako ng upo nang wala akong makuhang sagot mula sa kanya.









At si Allison naman ang nag ikot ng bote.









Tumapat iyon kay Lucia.








"DARE!!!" Exaggerated niyang tili.








"Go home." Nagtawanan kami nang sambitin iyon ni Allison.









"Ayoko nga!" Diretsyo niyang ininom ang alak na nasa shot glass.









Kanina pa siya pinapauwi ni Ali pero panay tanggi lang ang ginagawa niya. Ang sabi niya pa nga ay gusto pa daw niyang makasama si Allison ng matagal. Kaya kanina pa kumukulo ang dugo ko sa babaeng ito e. Mabuti nalang at medyo malayo ako sa kanya, kundi ay ubos na ang buhok niya dahil kanina ko pa siya balak sabunutan.








Seduced By A Lesbian: AllisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon