Sam's POV
"S-Sam. ." Pagdilat ko ng mga mata ko ay ang mukha ni mommy ang una kong nakita. Pagkatapos ay iba ibang mukha na ang dumungaw sa akin. Allison's face. Cheska's face. Kim's face. At ang mukha ng mga staffs ko na malungkot na nakatitig sa akin.Shet! Patay na ba ako?
May narinig kasi akong kwento na kapag nasa bingit ka na ng kamatayan ay makikita mo ang mga mahal mo sa buhay bago maputol ang huling hininga mo.
"Sam, my baby! I'm glad you're awake!" Mahigpit akong niyakap ni mommy na basag ang boses. Parang galing sa isang mahabang pag iyak. Sinampal sampal ko pa ang sarili kong pisngi para magising sa katotohanan.
Panaginip lang ba ito?
Mommy doesn't visit me often. Actually never niya pa nga akong binisita dito sa condo e. Dahil iniiwasan rin niyang makita si Janus.
Ano bang nangyari?
"Sam! Please open the door!" Allison keeps knocking on my door. Gustuhin ko mang buksan ang pinto ay hindi ko magawang harapin siya dahil gusto ko lang mapag isa.
Hawak ko ang isang bote ng alak at mag isang nilalaklak iyon habang nakatitig sa pintuan ko. Nakaka tatlong bote na pala ako pero hindi pa rin ako tinatamaan.
Hindi ba nila maintindihan na hindi ko kailangan ng kausap? Hindi ko sila kailangan!
Ano bang mali sa akin? Binigay ko na nga kay Janus ang lahat ng meron ako e. Oras, atensyon, at pagmamahal. Pati na rin ang respeto ko na para sa sarili ko ay inialay ko na sa kanya. Ano pa bang kulang?
Feeling ko tuloy ako si Liza Soberano na nagtatanong sa sarili ko.
Pangit ba ako?
Kapalit palit ba ako?
Hindi ko maisip kung paano ba niya ako nagawang lokohin gayung araw araw naman kaming magkasama tapos magkasama pa sa iisang bubong sa loob ng siyam na taon.
Wala ng iba pang pumapasok sa isip ko kundi si Janus! At ang kasintahan niyang si Janica!
"Samanth--"
"S-sabi ko diba hindi kita kailangan! Bakit ba ang kulit kulit mo!" Pagewang gewang akong naglakad papunta sa pinto habang patuloy na tinutungga ang alak na hawak ko.
Impit akong napaiyak habang padausdos na naupo sa likod ng pinto. I'm freakin' wasted! Ang sakit sakit ng puso ko!
Isang taon na pala silang engage, habang nagpapakatanga ako sa lalaking 'yon! Wala man lang akong kaalam alam.
Kaya pala ayaw niyang magplano ng kasal para sa amin, kasi may iba na pala siyang papakasalan. He stayed with me for almost one year para lang huthutan ako ng pera.
Saan naman kasi niya kukunin ang pambili ng mamahalin na singsing na iyon kung wala naman siyang trabaho? Palamunin ko lang naman siya at umaasa pa rin siya sa pamilya niya. Kung hindi ko nga lang siya kinupkop ay baka wala siyang ibang mapupuntahan.
Natutop ko ang bibig upang pigilan ang paghikbi ko. Ngunit hindi iyon nakatulong. Mas lalo lang lumakas ang pag iyak ko at hindi ko na mapigilan pa ang mala gripo kong luha.
Tangina! Kaya pala naubos ang savings namin dahil doon niya kinuha ang pambili niya ng engagement ring. Kapag tatanungin ko kasi siya, bigla nalang siyang magagalit tapos aalis siya nang hindi man lang siya makikipag ayos sa akin. Pagkatapos ay uuwi siyang lasing na lasing. Yayakap sa akin sa pagtulog, at pag gising kinabukasan ay parang wala lang nangyari.
BINABASA MO ANG
Seduced By A Lesbian: Allison
Любовные романыIn a tumultuous tale of love and self-discovery, Samantha finds herself at a crossroads after the end of her nine-year relationship with Janus. Struggling to move on, she encounters Allison, a dominant lesbian whose magnetic presence pulls Samantha...