Chapter 57

781 28 6
                                    

***

"Allison!" Umiiyak na pinigilan ni Cheska si Allison sa pagwawala nito. Lahat ng bagay na makita at mahawakan niya sa paligid ay walang pakialam niyang inihagis sa kung saan matapos nitong mapakinggan ang kuwento ni Cheska.

"Ano pa? Ano pang gusto mong malaman ko? Ano pa yung mga hindi mo pa sinasabi sa akin?" Galit na galit na sambit ni Allison. Halos hindi makagalaw si Cheska sa puwesto niya. Nakaupo siya sa sahig habang walang humpay na umiiyak dahil sa mga bagay na ipinagtapat niya kay Allison. Masakit sa damdamin niyang aminin iyon, ngunit alam naman niyang darating ang panahon na malalaman rin iyon ni Allison.

Kung patatagalin niya lang ay baka mas lalong masaktan si Ali sa mga rebelasyong nais na lamang niyang ilibing sa limot.

"Pinagkatiwalaan kita, Cheska. Pati yung puso ko ipinagkatiwala ko sayo. Akala ko, ay kay Samantha lang ako lubos na masasaktan. Pero mas masakit pala yung ginawa mo." Tiim bagang na sambit nito. Pakiramdam ni Allison ay wala ng paglalagyan ang galit at poot na nararamdaman niya.

Sa mga sandaling iyon, naramdaman ni Cheska ang tila unti unting dinudurog na puso niya. Hindi niya lubos na matanggap ang sakit na dinulot niya kay Allison. Ngunit, hindi rin naman niya inisip na magiging madali ang pag-amin sa lahat ng kasalanan niya.


"Naintindihan ko naman na mahirap tanggapin ang mga bagay na natuklasan mo, Allison." Bigkas ni Cheska, na ramdam ang kirot sa bawat salitang binitiwan niya.

"Hindi ko sinasadyang saktan ka, at hindi ko rin nais na mas masaktan ka dahil sa mga ginawa ko." Patuloy pa rin ito sa pag iyak. Ni hindi magawang tignan si Allison. Hiyang hiya siya sa mga nangyayari.

Ngunit hindi pa rin nagkaroon ng tugon si Allison. Nakabaling ito sa malayo, tila hinihintay ang anumang sasabihin pa ni Cheska.

"Gusto ko lang sabihin na ikaw pa rin ang pinakamahalaga sa akin, Allison." sabi ni Cheska sa isang boses na pabulong.

"Nagawa ko rin ang lahat ng iyon dahil sa pagkahumaling ko sa'yo. Gusto kita noon pa. Inggit na inggit ako sa inyo ni Samantha. The way you loved her, the way you treat her. Gusto ko rin yun. Gusto ko 'ring maramdaman 'yun." Lalong nakaramdaman ng pananakit ng dibdib ang dalaga sa pag amin niyang iyon.

"Alam ko naman na hindi mo tatanggapin yung pagmamahal ko para sa'yo kay——"

"Kaya mayroon ako nito? Kaya mo 'to pinapainom sa akin?" Tumingala si Cheska mula sa kinakaupuan niya. Nilakasan niya ang loob niyang tapunan ng tingin si Allison. Hawak nito ang isang banig ng tableta, na walang kabawas bawas.

"Allis.." umiiling itong tumayo at lumapit kay Allison na nanginginig na sa galit.

"Hindi ako tanga Cheska para paglaruan mo. Wala naman akong sakit, hindi ba?" Hindi kumibo ang dalaga. Sa halip, mas lumapit pa ito sa kaniya at tinignan ng malalim. Sa mga mata ni Allison, nakita ni Cheska ang halong pagkalito. Naramdaman niya ang gustong sabihin ni Allison kahit wala pa itong sinasabi.

"Sabihin mo na yung totoo, Cheska." Bulong ni Allison habang lumalayo nang kaunti sa dalaga.

Dahil sa mga salitang iyon, napabuntong-hininga si Cheska. Ramdam niya ang sakit sa tuwing sumagi sa isip niya ang posibilidad na tuluyan nang mawala si Allison sa buhay niya. Ngunit kung iyon naman din ang mangyayari, handa na siyang tanggapin at harapin ang mga desisyong gagawin ni Allison.

"Oo Allison. Wala kang sakit." Nakaramdam ng paninikip ng dibdib si Cheska. Hindi rin naman siya tanga para maniwalang mag sstay si Allison kapag sinabi niya ang totoo.

Seduced By A Lesbian: AllisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon