Chapter 13 *SPG*

5.7K 70 1
                                    

***


Allison's POV




"Babe!!" Masaya akong sinalubong ni Rita nang dalawin ko siya sa bahay niya. Agad niya akong hinila papunta sa kwarto niya. Hindi naman ako nagpunta rito para makipag sex sa kanya. Nagpunta ako para tuluyan ng tapusin ang dom-sub relationship naming dalawa. Kailangan kong ipaintindi na ayaw ko na sa kanya. Na hindi ko na siya kailangan.




Niyakap niya ako ng mahigpit. At pilit niyang inaabot ang mukha ko upang siilin ng halik. Ngunit iniwas ko ang sarili ko.




"Mabuti naman at dinalaw mo ako." Malandi siyang nakangiti sa akin habang ang dalawa niyang kamay ay nasa batok ko. "Sabi ko na nga ba at mamimiss mo rin ako e."




"I told you, let's end this." Mariin kong sambit. At tinanggal ko ang mga kamay niya na nakapulupot sa akin.





"Bakit? Ayaw mo na ba sa akin?" She pout her lips. Bakas sa mukha niya ang lungkot. Kung dati ay nahuhumaling pa ako sa kanya, ngayon ay hindi na. Wala na akong maramdaman na kahit anong libog pa sa kanya mag mula nang maging submissive ko si Samantha.




Kung alam niya lang kung gaano ko pinangarap na maging akin si Samantha. At ngayon nga'y ayokong mawalay siya sa akin. Matagal kong hinintay na maging akin siya, kaya't hindi ko hahayaang masayang lang ang pagkakataon na ito.




"Yeah. That's right." Diretsyo ko siyang sinagot. Ayoko ng magpaligoy ligoy pa. Nagsimulang mag ulap ang mga mata niya at nagbabadya ng bumagsak ang mga luha niya.





"You can't do this to me Allison!" Sigaw niya sa mukha ko at bigla nalang akong itinulak paupo ng kama niya.





"Akala mo ba makakatakas ka sa akin ha?" Nanlilisik ang mga mata niyang pumatong sa kandungan ko at walang habas na siniil ang labi ko.





"Ano ba!" Para siyang ligaw na hayop na sabik na sabik kumain ng sariwang karne. Itinulak ko siya na naging dahilan para malaglag siya mula sa pagkakaupo niya sa hita ko. At bumagsak siya sa sahig ng kwarto niya.





"Kung ayaw mo na sa akin, mas mabuti pa sigurong mamatay nalang ako!" Agad siyang tumayo at tinungo ang isang malaking cabinet. Napatayo ako nang makaramdam ako ng kaba. Dahil nakita ko kung paano niya ikalat ang mga damit niya at tila may hinahanap sa cabinet niya.




"O kaya naman isasama kita sa pagkamatay ko!" Galit niyang itinutok ang isang baril sa akin. Para siyang baliw na umiiyak habang tumatawa pa.




"Mamumuhay tayo ng masaya sa impyerno Allison. At hindi ko hahayaang maging masaya ka sa iba!" Pagbabanta niya. Halos basag na ang tinig niya dahil patuloy pa rin siya sa pag iyak. Binalot ako ng takot dahil baka bigla nalang niyang iputok ang baril sa akin.






"Rita, ibaba mo yan." Kalmado kong utos sa kanya. Itinaas ko ang dalawa kong kamay para subukan na pigilan siya. Pero hindi siya nagpapigil at dahan dahang inihakbang ang mga paa niya papalapit sa akin. Nakangisi siyang umiling bilang sagot.





"Ayaw mo na ba sa akin Allison?" Sambit niya kasabay ng mga paghakbang niya. Mukhang ito na yata ang katapusan ko. Baka kapag sinabi kong ayoko na sa kanya, matagpuan nalang akong naliligo sa sarili kong dugo. Kaya nanatili akong tahimik.




"Sagot!!" Napatalon ako sa gulat nang muli siyang sumigaw. Nanginginig pa ang mga kamay niya habang nakatutok sa akin ang baril.





Seduced By A Lesbian: AllisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon