***
"Wow sunflowers!" Magiliw na tumakbo si Bria papalapit kay Samantha nang makita siya nitong tumatanggap ng bulaklak sa isang delivery rider.
"Ay wow, ilang buwan ka palang dito sa Pinas may manliligaw na kaagad." usisa ng kanyang ate habang nagdidilig ng halaman sa labas ng kanilang bahay, malikot ang ngiti sa kanyang mga labi.
"Sshh, ate! Baka marinig ka ni Bria." mariing tugon ni Samantha, sabay tapon ng masamang tingin sa kanyang ate, ngunit tinawanan lamang siya nito. Hawak ang mga bulaklak na tila nagbigay ng bigat sa kanyang puso.
"E kanino?" tanong ng kanyang ate, lalo pang nagiging interesado.
"Uhh… sa kaibigan ko… Old friend," sagot niya, pilit na itinatago ang tunay na damdaming bumabalot sa kanya.
Sinipat niya ang bulaklak na may kalakip na maigsing note.
"Please come to my place."
Napakunot ang noo niya habang binabasa ang mensahe. Alam niyang ang simpleng mga salitang iyon ay puno ng kahulugan, at hindi niya maiwasang mag-isip kung ano ang nais iparating ng nagpadala nito. Tila nararamdaman niya ang pagkabalisa sa kanyang dibdib, ngunit kasabay nito ay ang matinding kuryosidad.
Alam naman ni Samantha kung kanino nanggaling ang bulaklak at ang note na iyon.
Kay Allison.
Ngunit hindi niya maintindihan ang dahilan sa likod ng pagpapadala nito ng mga sunflowers at ng paanyaya.
Ano ba ang gustong iparating ni Allison?
Bakit siya iniimbitahan sa bahay nito?
At higit sa lahat, ano ang mangyayari kung pupunta siya?
Paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya ang huling katagang itinanong sa kanya ni Allison noong isang gabi:
*“Will you be my submissive again?”*
Ang mga salitang iyon ay tila bumabalik sa kanyang isip, parang echo na hindi niya kayang pigilan.
Alam niyang ang tanong na iyon ay puno ng mga alaala, mga damdamin, at mga pangako na minsan na nilang pinanghawakan.
Ngunit kasabay ng mga alaala ay ang takot—takot na muling bumalik sa isang relasyong hindi niya alam kung kaya pa niyang harapin.
Habang naglalaro sa kanyang isipan ang lahat ng posibilidad, hindi maiwasan ni Samantha na maramdaman ang halo-halong emosyon—pagkalito, pananabik, at ang pangingilabot na hatid ng alaala ng kanilang nakaraan.
Gusto ba niyang bumalik?
Handa ba siyang muling ipagkatiwala ang kanyang sarili kay Allison, sa mga kamay na minsan nang humawak sa kanya, sa mga labi na minsan nang nag-angkin ng bawat bahagi ng kanyang pagkatao?
Nakatitig siya sa mga bulaklak, ngunit ang isip niya ay malayo, nagtatalo ang puso at isipan kung ano ang nararapat gawin.
"I'm happy you came!"
Pagkarinig ni Samantha sa boses ni Allison, bigla siyang nakaramdam ng halo-halong emosyon—kaba, pananabik, at isang piraso ng pag-aalinlangan.
Nakatayo si Allison sa pintuan, naka-ngiti habang inaanyayahan siyang pumasok. Sa bawat salita ni Allison, naramdaman ni Samantha ang init at kasiguruhan sa boses nito, bagay na hindi niya maiwasang tugunin.
BINABASA MO ANG
Seduced By A Lesbian: Allison
RomanceIn a tumultuous tale of love and self-discovery, Samantha finds herself at a crossroads after the end of her nine-year relationship with Janus. Struggling to move on, she encounters Allison, a dominant lesbian whose magnetic presence pulls Samantha...