Chapter 43

1.3K 31 7
                                    


***

"Samantha?" Tanging naibulong na lamang nito sa sarili. Tila ba tinakasan siya ng sarili niyang kaluluwa nang makita ang buhay na buhay na si Samantha sa harapan nito habang nakalingkis sa beywang niya si Janus.


"How about you? Do you miss me?" Gustuhin niya mang sumagot sa tanong na iyon ni Samantha ay hindi nito nagawa. Kung may pagkakataon man na iparamdam ni Allison kung gaano niya ka-miss si Samantha ay gagawin niya iyon. Pero hindi ngayon dahil tuluyan nang naging estatwa si Allison sa kinatatayuan niya.

Gusto rin niyang kusutin ang mga mata niya dahil baka nananaginip lamang siya. Ngunit lahat ng parte ng katawan niya ay hindi niya maigalaw. Ang tanging nararamdaman niya lamang ay ang pagsikip ng dibdib niya at ang unti unting pagsabog ng puso niya.



Pakiramdam niya anumang oras ay mahihimatay siya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin pinoproseso ng utak niya na ang taong inakala niyang patay na ay nasa harapan niya.



"So, magtititigan na lang ba tayo dito?" Samantha started the conversation nang mapansin nito ang unti unting pagtulo ng mga luha ni Allison.



"I guess you really missed me so much." Inirapan niya lamang si Allison. Walang bakas na lungkot sa mga mata nito. Kaswal niya lamang sinambit iyon at saka salampak na umupo sa couch.




Nang magbalik ang malay ni Allison at narealize niyang totoong nasa harapan niya nga si Samantha ay mahigpit na napahawak ito sandalan ng couch na nasa harapan niya.




Hindi siya makahinga!



"Boss!" Mabilis na umalalay si Dex kay Allison dahil napansin nito ang paghahabol ng hininga ni Ali.




"Boss, okay ka lang?" Pilitin man nitong pigilin ang mga luha niya ay nagdire-diretsyo lang ito sa pagtulo. While Janus and Samantha is just watching her with crossed arms. Prente lamang itong nakaupo na tila ba nanunuod ng kandilang malapit ng maupos.




"So what's the deal? Fifty million? Or I will make it a hundred million?" Hindi alintana ni Samantha kung paano maghinagpis si Allison sa harapan niya. All she wanted was to buy Ali's rest house para sa future family niya.




"Well, that's a good deal mahal." Kumento ni Janus at mahigpit na hinawakan ang kamay ng asawa saka hinalikan ito.




"Can we discussed it, next time?" Dex suggests. Bakas sa mukha nito ang pag aalala kay Allison at inalalayan na itong maupo sa couch.



"Really? Ang haba ng binyahe namin tapos ire-resched niyo lang dahil sa pag iinarte ng amo mo?" Pagtataas ng boses ni Samantha.





"Ma'am pasensya na po kayo. Masiyado lang po siyang nabigla dahil ang buong akala niya ay patay na kay——"




"Oo nga, patay na yung Samantha na nakilala niya noon. Ibang Samatha na ang nasa harapan niyo ngayon. Hindi na ako yung tatanga tangang nakilala niya." Nakataas pa ang kilay nito habang dire diretsyo sa pagsasalita. Samantha born again with a stoned heart. Ibang iba na nga ang pagkatao niya sa nakilala ni Allison noon.




Nanatiling tahimik na umiiyak si Allison. Kung bibigyan nga lamang siya ngayon ng pagkakataon na yakapin si Samantha kahit isang segundo ay  gagawin niya, huwag lang siyang batuhin nito ng masasakit at maanghang na salita.




"Here's your one hundred million pesos. No tax! Walang labis at walang kulang." Ibinagsak ni Samantha ang itim at malaking bag sa center table na naglalaman ng milyon milyong pera na para bang ipinamukha nito na kailangan ni Allison ng pera.

Seduced By A Lesbian: AllisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon