Samantha's POV
"Sigurado ka ba na okay lang na iwan muna kita dito? Promise mabilis lang ako." Nakaupo si Allison sa sa gilid ng kama habang ako naman ay balot na balot ng kumot dahil sa sobrang lamig na nararamdaman ko.
"Achooo!" Kung bakit kasi naisipan pa naming dalawa na maglaro sa ulan! Ito tuloy ngayon nagkaroon pa ako ng sakit. Inabutan ako ni Ali ng tissue habang bakas sa mukha niya ang pag aalala.
"I'm sorry, you got sick because of me." She sighed ngunit tinawanan ko lamang siya. "Anong nakakatawa?"
"Ikaw kasi! Naalala ko lang kung gaano ka nagmamadaling paganahin yung sasakyan kagabi." I managed to laughed kahit na nanghihina ang katawan ko dahil sa sama ng pakiramdam ko.
Natawa na rin siya dahil naalala niya ang pagkataranta niya nang isigaw ko ang pangalan niya ng lumabas na ang driver mula sa tumigil na sasakyan. Sinabi pa niyang isa iyon sa wildest fantasy niya e siya rin naman pala iyong takot at nagpaandar ng paatras para lang makalayo sa lugar na iyon.
"HAHAHAHAHAHAHAHA!" Namumula na siya sa hiya dahil naalala ko na naman ang ginawa niya kagabi. Halos hindi na ako makahinga kakatawa habang siya ay napatakip na lamang sa mukha niya. Hindi ko na nga rin alam kung paano ba kami nakauwi dahil sa pagmamadali namin.
"Sana lang makatulong sa pag galing mo 'yang pagtawa mo!" Halata sa itsura niya na napipikon na siya sa tawa ko. Hindi ko lang kasi talaga makalimutan kung ano yung nangyari kagabi.
"Sige tumawa ka pa, tignan mo lalong tumataas yung lagnat mo!" Idinampi niya ang kamay niya sa noo ko. Nagpatuloy pa rin ako sa pagtawa kaya mas lalo tuloy siyang naasar sa akin.
"I love you!" Bigla na lamang nagbago ang mood niya nang sambitin ko iyon. Ang kaninang salubong niyang mga kilay ay unti unti nang naglaho. Lumitaw na rin ang ngiti sa mga labi niya.
"Hmp!" Inalayo niya ang kamay niyang kanina lang ay nakalapat sa mainit kong noo. At ngayon nga'y parang bata na siyang nagtatampo.
"I love youuuu!" Paglalambing ko sa kaniya at pilit na inaabot ang mukha niya para mahalikan ko man lang siya sa pisngi.
"You should rest Sam!" Pinagtaasan niya ako ng boses. Ako naman ang umirap sa kaniya saka padabog na humiga ulit.
"I mean you should rest, then I'll buy some medicine." Malambing niyang sambit saka niyakap ako. I don't want her to leave pero totoong nag aalala siya sakin dahil mataas na nga ang lagnat ko.
"Sama ako sa'yo." Muli kong paglalambing sa kaniya para bang pakiramdam ko ay may mangyayaring masama kapag umalis siya sa tabi ko. Since I feel safe when she's beside me. Nanatili akong nakayakap sa kaniya at ayaw kong pakawalan siya.
"Gusto man kitang isama, ayoko lang sumama pa lalo yang lagnat mo." She caressed my back then leave a kiss on my forehead.
BINABASA MO ANG
Seduced By A Lesbian: Allison
RomanceIn a tumultuous tale of love and self-discovery, Samantha finds herself at a crossroads after the end of her nine-year relationship with Janus. Struggling to move on, she encounters Allison, a dominant lesbian whose magnetic presence pulls Samantha...