***"Can I kiss you?"
Sunod sunod na napakurap ang mga mata ni Samantha nang sambitin iyon ni Allison. Hindi nito malaman kung totoong narinig niya iyon, o totoo bang tinanong sa kaniya iyon ni Allison.
Basta ang alam niya, hindi lang ito isang panaginip.
Mariin siyang napapikit nang makitang papalapit na ang mukha ni Allison sa kaniya. Hindi nito alam kung bakit ganito na lamang ang naging reaksyon niya. Dahil na rin siguro sa alak na nainom nila.
Pakiramdam ni Samantha ay mapuputulan na siya ng hininga sa sobrang lapit ng mga katawan nila ni Allison.
Hindi siya mapakali, para bang malalaglag ang kaniyang panty!
Nang bumalik ang paghinga ni Samantha, dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata.
Naroon si Allison, nakatitig sa kanya nang malalim, parang may hinahanap sa kanyang mga mata.
Ramdam ni Samantha ang panginginig ng kanyang mga kamay, ngunit hindi siya makagalaw.
"Hindi mo kailangang sagutin, Samantha." bulong ni Allison sa pagitan ng mga labi nila, na halos hindi naririnig sa pagitan ng kanilang paghinga.
"Pero may gusto lang akong malaman... gusto ko lang maramdaman kung may natitira pa."
Nagtataka man, ay muling napapikit si Samantha.
Isang bahagi ng kanyang isip ang nagsasabing dapat niyang itulak si Allison, na dapat siyang tumalikod at umalis.
Ngunit may isang mas malalim na bahagi, isang bahaging matagal na niyang tinatakasan, na nagsasabing manatili.
Pagmamahal kaya iyon?
Isang masuyong dampi ng labi ang sumalubong sa kanya, mabagal at puno ng pagkasabik.
Ang mundo ay tila tumigil, at wala na siyang maramdaman kundi ang init ng halik ni Allison.
Nang lumayo si Allison, huminga ng malalim si Samantha, hinahanap ang mga salitang wala na sa kanyang isip.
"Allison—"
Ngunit bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin, muling lumapit si Allison, at sa pagkakataong ito, hindi na siya nagtanong.
Nagpatuloy ang kanilang halik, mas malalim at mas marubdob kaysa kanina.
BINABASA MO ANG
Seduced By A Lesbian: Allison
RomanceIn a tumultuous tale of love and self-discovery, Samantha finds herself at a crossroads after the end of her nine-year relationship with Janus. Struggling to move on, she encounters Allison, a dominant lesbian whose magnetic presence pulls Samantha...