***
Allison's POV
"Rise and shine!" Bakas sa tonong iyon ang pagiging masiyahin ng babaeng nagbukas ng kurtina.
"Ugh!" Muli akong napapikit nang dumiretsyo sa mga mata ko ang liwanag ng sinag ng araw. Hindi ko siya gaanong maaninag kaya naman hindi ako sigurado sa babaeng naka puting bestida at matamis na nakangiti sa akin.
"Good morning. ." Naniningkit man ang aking mga mata ay pilit kong inaninag ang dalagang naglalakad papalapit sa kinahihigaan ko.
Teka? Nasaan nga ba ako?
Buhay pa ba ako?
"Hi, I'm glad you're already awake. ." Ang kaninang naniningkit kong mga mata ay unti unti na lamang lumaki ng kusa ang pagkakadilat. At ang puso kong pakiramdam ko ay tumigil ang tibok ng napakatagal na panahon ay tila ba paulit ulit na tumatalbog sa loob ng katawan ko. Bumigat rin ang paghinga ko, na sa tingin ko ay ito na ang tatapos sa buhay ko.
"Speechless?" She showed me her beautiful smile. Ang mga ngipin niyang kumikintab dahil sa puti at ganda nito na bumagay sa puti niyang bestida.
"Huwag kang mag alala, wala ka pa sa langit." Naipikit ko ng mariin ang mga mata ko. Tila ba ayaw ko na itong idilat pa.
"Ahh!" She touched my hand! She really touched my hand! Bakit pakiramdam ko ay totoong hinawakan niya ako. Narinig ko pa ang mahina niyang tawa bago ako muling dumilat.
"S--Sam. . ." Nanginginig kong sambit sa pangalan niya. It's really a long time to finally call her name again.
"Did you missed me?" Ang kaninang maganda niyang ngiti ay unti unting napalitan ng ngisi kasabay ng pagtaas ng isa niyang kilay. Tuluyan na akong hindi nakagalaw sa kinahihigaan ko nang ilapit niya ang mukha niya sa akin at diretsyo niyang inilapat ang labi niya sa labi ko.
Hindi ko alam kung gaano katagal pero totoong naramdaman ko ang labi niya. Ang labi niyang matagal ko ng hinahanap hanap.
"Pwe!" Muli akong natauhan nang ang laway niya ay tumama sa mukha ko matapos niya akong duraan. "Taste like shit!"
Matapos yun ay tumawa siya ng malakas. Malakas na malakas na para bang mabubutas na ang ear drums ko.
"Stop it! Stop haunting me!" Tila ba nababaliw na ako ng takpan ko parehas ang dalawang tainga ko at ipinikit ko ang mga mata ko.
"Lagi mong tatandaan Allison, na ikaw ang dahilan kung bakit nasira ang buhay ko!" Natulala ako nang banggitin niya iyon. Namuo ang luha sa mga mata ko at bumalik na naman sa isip ko ang pagsisising nagawa ko.
"Till we meet again, my Ali." She just smirked at me, at naramdaman ko na lamang ang pagkirot ng braso ko.
BINABASA MO ANG
Seduced By A Lesbian: Allison
RomanceIn a tumultuous tale of love and self-discovery, Samantha finds herself at a crossroads after the end of her nine-year relationship with Janus. Struggling to move on, she encounters Allison, a dominant lesbian whose magnetic presence pulls Samantha...