Chapter 24

1.7K 45 0
                                    



***
Samantha's POV




"Ma'am, may nagpapabigay po sa inyo." Nakangiting iniabot sa akin ng isa sa mga staff ko ang may hindi kalakihan na box. Kasing laki ng kahon ng sapatos.






Doon lamang ako natauhan mula sa pagkakatulala. I was just staring at the box. Nakabalot pa iyon sa magandang gift wrapper. Halatang nag effort pa sa pagkabalot. Kanino naman kaya ito nang galing?







"Ano yan? Suhol mula kay Allison?" Siniko ako ni Cheska na nakatingin na rin pala sa kahon na nasa ibabaw ng counter top.






I was just confused. Noon sinabi sa akin ni Allison na mahal niya ako. Ngunit noong nakaraang linggo ay inamin naman niyang it's just part of our relationship.







A sub-dom relationship.







Sa tingin niya ba ay ganun nalang kadaling tanggapin ang mga sinabi niya? Kaya naman ilang beses ko siyang tinatawagan dahil baka nabibigla lang siya. Ngunit kahit isa sa mga tawag o mensahe ko sa kaniya ay wala siyang naging sagot.







Mariin kong nakagat ang labi ko. Nagtatalo ang isip at puso ko kung bubuksan ko ba ang kahon sa harapan ko.








My hands trembled as I touched the box. Hindi ko alam kung bakit nagwawala ang puso ko. At hindi ko iyon kayang pigilan.








"Buksan mo na. ." I heard excitement from Cheska's voice. Nilingon ko siya na tila humihingi ng permiso mula sa kaniya. Ngunit bago ko pa man iyon mabuksan ay inagaw niya na ang box. At sinimulan na rin niyang sirain ang magandang gift wrap ng kahon na iyon.








Galing kaya ito kay Allison? Isa na naman ba ito sa mga pakulo niya? Naduduwag ba siya para hindi ako harapin?








"Ako na ang magbubukas. ." Mahina kong sambit nang agawin ko mula kay Cheska ang box. Tuluyan nang natanggal ang gift wrap. At sa ibabaw ng kahon ay may mensahe pa.







"This is for you . . ."







Ngumiti ako ng mapait. I guess it's really from Allison.







Binuksan ko na iyon dahil hindi na ako makatiis na alamin kung ano ang laman ng kahon.







"OMG!!" Napatalon sa tuwa si Cheska nang tumambad sa amin ang ilang mga tsokolate. Nauna pa siyang kumuha at daling tumakbo papasok sa office.






Isa isa ko iyong inilabas mula sa kahon. At isang puting sobre ang nakita ko.







"I guess you need to know the truth. . ."







Mahina kong basa sa nakasulat sa sobre. Inilinga ko ang tingin sa paligid.






Nang mapagtanto kong walang tao sa paligid ko ay binuksan ko iyon.








Natutop ko ang sariling bibig nang makita ko ang iba't ibang litrato.








Litrato ni Allison iyon.










Litrato nila ni Janica sa isang coffee shop.










Mga pictures nila iyong dalawa na magkasama sa isang coffee shop. Nakangiti si Janica habang nakatitig kay Allison.











Seduced By A Lesbian: AllisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon