✨ Chapter 2.2 ✨

367 16 2
                                    


***

"Ang lalim yata ng iniisip mo?" Nakasalumbabang tanong ni Lucia habang kumakain sila sa isang samgyupsal restaurant.

Bigla namang natauhan si Samantha nang tanungin siya ni Lucia ng ganoon. Ilang araw na ring lutang ang isip niya dahil sa nangyari noong gallery's event.

"Hm, wala 'to!" Saka kumain muli ng bagong lutong meat na kanina lang ay nasa griller.

"Kung ano man 'yan makikinig ako sa'yo." Nginitian siya nito na para bang pinapakalma ang kausap.

"Salamat, Lucia," sagot ni Samantha, pilit na ngumingiti.

"Sige na nga, ikukuwento ko na."

Napatigil si Lucia sa pagkain at nakinig ng mabuti, ipinatong pa niya ang chopsticks sa gilid ng kaniyang plato.

"Nanggaling kasi ako sa isang galleries event noong nakaraang linggo." panimula ni Samantha.

"Tapos, may isang painting dun na kumuha ng buong atensyon ko."

"Anong klaseng painting?" Umayos ng pagkakaupo si Lucia, tila gustong mag focus sa ikinukwento ni Samantha.

"Portrait ng mukha ko," sagot ni Samantha, na medyo nanginginig ang boses.

Nanlaki ang mga  mata ni Lucia.

"Mukha mo? Paano nangyari 'yon? Kilala ka ba ng artist? Or kilala mo ba siya?" Sunod sunod na tanong nito.

"Yun nga ang nakakagulat e." sagot ni Samantha.

"Hindi ko kilala yung artist. Nung binalikan ko yung painting, nandun siya. Nagkita kami ng hindi inaasahan. Ang dami ko ngang tanong sa kanya e. Itinanong ko kung paano niya ako naipinta. Sinabi rin niya na hindi niya talaga ako kilala at hindi niya rin alam kung bakit ganun yung lumabas sa painting nya."

"Kakaiba 'yan, ah," sabi ni Lucia, nakakunot ang noo. "Ano pang sinabi niya?"

"Sinabi niya na yung painting ay galing sa isa sa mga panaginip niya." patuloy ni Samantha.

"Ilang beses daw niya akong napanaginipan, at sa bawat panaginip niya, nakikita niya yung mukha ko. Hindi niya maintindihan kung bakit, pero naisip niyang ipinta na lang ito."

Huminga ng malalim si Samantha. Bakas sa dalaga ang pag aalala at pangangamba.

"Ang creepy naman niyan," sabi ni Lucia, kinikilabutan. "Ano'ng naramdaman mo nung nalaman mo 'yan?"

"Halo-halo." sagot ni Samantha, bahagyang natawa.

"Una, natakot ako. Pero sa kabilang banda, parang ... parang may koneksyon kami e. Hindi ko maipaliwanag, pero parang may mga bagay na kailangan kong malaman galing sa kaniya."

"Tingin mo ba, may kinalaman yan kay..." hindi naituloy ni Lucia ang sasabihin niya. Iniiwasan nitong pag usapan ang nakaraan. Agad itong sumubo ng karne na iniihaw niya.

Natahimik sandali si Samantha, alam niyang pareho nilang iniiwasan ni Lucia ang paksang iyon. Ngunit sa pagkakataong ito, parang hindi na niya kayang palampasin pa.

"Kay Allison?" pagputol ni Samantha sa katahimikan. "Sumagi rin siya sa isip ko."

Nagbuntong-hininga si Lucia, ipinatong ang chopsticks sa kaniyang plato.

"Pero hindi naman na yun magsasayang pa ng panahon sakin, ilang beses ko na siyang iniwan sa ere, diba?" Malungkot na tugon ni Samantha.


"Nagkita na ba kayo ulit? O kaya nag kausap?" Umiling lamang ang dalaga sa tanong na iyon.

Seduced By A Lesbian: AllisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon