***
"Mommyyy!" A three year old cute baby girl running towards Samantha. Malaking malaki ang ngiti nitong tumatakbo papalapit sa dalaga.
"Bria, slow down.." may pag aalala sa tinig nito at mabilis din niyang sinalubong ang bata dahil baka madapa pa ito.
Hingal na hingal na nakarating ang batang babae sa harapan ni Samantha.
"Look mommy, this is for you!" In her very cute voice. Sabay inilabas nito ang isang pirasong tulip mula sa likuran nito. Malaki pa rin ang ngiti ng bata kahit pa hinihingal ito.
"Ow, thank you baby!" Kinuha iyon ni Samantha at saka umupo para mapantayan si Bria.
"Where did you get it?" Ngiting ngiti ang dalaga nang abutin niya iyon mula kay Bria. Sa halip na sumagot ito ay lumingon siya sa kaniyang likuran at saka may itinuro.
"Daddy." Sagot nito at muling tumakbo papunta sa itinuturo niyang 'daddy'.
"Happy anniversary, babe." Saglit na humalik ito sa kaniyang pisngi at tipid na ngumiti. Napalitan naman ng umasim ang mukha ni Samantha nang gawin iyon ni Janus.
"Hindi mo naman kailangang mag abala, Janus." Sa pinaka mahinang boses ni Samantha para maiwasang hindi marinig ni Bria. Tuwang tuwa pa naman ang bata habang pinapanuod sila.
"Pero gusto kong gawin 'to, Samantha. Para sa atin." Malambing na tugon ni Janus habang inaabot kay Samantha ang isang maliit na kahon na may magandang ribbon.
"What's this?" Nagtatakang tinitignan ni Samantha ang kahon.
"Open it, mommy!" Excited na sigaw ni Bria habang kumakapit sa laylayan ng damit ni Samantha.
Dahan-dahan niyang binuksan ang kahon at tumambad sa kaniya ang isang makintab na silver bracelet na may mga engraved na pangalan nila: "Samantha," "Janus," at "Bria." Napangiti si Samantha habang hinahaplos ang mga pangalan sa bracelet.
"Ang ganda." Iyon lamang ang naitugon ni Samantha. Pakiramdam niya ay maiiyak siya sa tuwa nang makita niya iyon. Ito yata ang unang pagkakataon sa buhay biyavna binigyan siya ng binata ng mamahaling regalo.
Nakangiti namang pinanuod ni Bria ang kaniyang mga magulang.
"Can I see, mommy?" Tanong ng bata habang tumatalon-talon pa.
Lumuhod si Samantha upang mailapit kay Bria ang bracelet.
"Here, baby. Look, it has our names on it."
"Wow!" Giliw na giliw ang bata habang tinitignan ang bracelet.
Habang pinapanuod ni Janus ang mag-ina, nakaramdam siya ng labis na kaligayahan.
"Come on, let's take a picture together," suhestiyon ni Janus habang inilabas ang kanyang cellphone.
Nagpose naman agad si Bria, yakap-yakap si Samantha habang pinapakita ang bracelet. Napuno ng tawanan at saya ang paligid habang kinukuha ni Janus ang litrato ng kaniyang mahal na pamilya.
BINABASA MO ANG
Seduced By A Lesbian: Allison
RomanceIn a tumultuous tale of love and self-discovery, Samantha finds herself at a crossroads after the end of her nine-year relationship with Janus. Struggling to move on, she encounters Allison, a dominant lesbian whose magnetic presence pulls Samantha...