Allison's POV
2 YEARS LATER. . .
"Hanggang kailan ka aasang magkakaroon ng customer 'tong cafe na ito?" I was surprised Cheska visited me today here in Mugs Cafe.
"Bumalik ka na pala, hindi ka man lang nagsabi, e di sana sinundo kita sa airport." After the scandal she faced two years ago, nag decide siyang lumipad papuntang Singapore. Hindi na niya nagawang i-handle ang Mugs Cafe dahil sa bukod sa wala ng pumupuntang customers, ay nasira na rin ang pangalan nito dahil sa kumalat na sex scandals namin ni Samantha.
"Kamusta ka na?" Tila kinurot ang puso ko sa tanong na iyon. Sa loob ng dalawang taon ay siya lamang ang katangi tanging nangamusta sa akin. I felt like a worthless person.
Naupo ako sa upuan na nasa tapat niya saka huminga ng malalim. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kaniya.
"I missed her." Inilinga ko ang mga mata ko sa paligid ng Mugs Cafe. Si Cheska lamang ang tanging nalapitan at nakausap ko sa buong dalawang taon na nawala si Sam. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang mga salitang huling narinig ko mula sa kaniya.
"Nakakadiri ka. At nadidiri ako sa sarili ko."
Masakit man ang salitang huling binitawan niya, ngunit iyon ang paulit ulit na naririnig ko kapag mag isa na lamang ako.
I fucking missed her.
"Hinihintay mo pa rin siya?" Tanging tango lamang ang naisagot ko. Kahit kailan ay hindi ako napagod na maghintay sa pagbabalik ni Samantha.
I lost everything para lang mahanap ko siya. Inubos ko ang lahat ng meron ako para lang muli ko siyang makita.
Pero wala. . . Kahit dulo ng anino niya wala akong nakita.
Ito nalang ang meron ako. Ang Mugs Cafe na hindi ko binitawan sa kabila ng pagkalugi nito.
"Magsimula tayo." Hinawakan ni Cheska ang kamay ko na nasa ibabaw ng mesa. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko at nakatitig pa sa mga mata ko.
"Ha?" Tila nabingi ako sa sinabi niyang iyon. Kumunot ang noo ko upang makita niya na talagang naguguluhan ako sa sinabi niyang iyon.
"Ahh — I mean, simulan nating ibalik itong cafe." She smiled at me ngunit kahit tipid na ngiti ay hindi ko naisukli sa kaniya. Nakalimutan ko na yatang maging masaya.
"You know what, namiss kong gumawa ng kape." She still managed to to ease the awkwardness between us. Alam naman naming pareho na hindi kami ganito ka-close dahil hindi naman kami madalas na nagkakasama noong narito pa si Samantha. Excited siyang tumayo at nagpunta sa counter area ng Cafe.
BINABASA MO ANG
Seduced By A Lesbian: Allison
RomanceIn a tumultuous tale of love and self-discovery, Samantha finds herself at a crossroads after the end of her nine-year relationship with Janus. Struggling to move on, she encounters Allison, a dominant lesbian whose magnetic presence pulls Samantha...