Chapter 28

1.8K 39 2
                                    

***
Samantha's POV

"Girlfriend mo na ba ako?" I asked her. Yakap namin ang isa't isa habang nakahiga sa kama. Parehas kaming walang saplot. She just wanted to feel my warmth.


"Hmmm. . ." Tiningala ko siya at nagtama ang mga paningin namin.



"Bakit parang pinag iisipan mo pa?" My eyebrows arched. Tipid siyang ngumiti while her fingers are slowly running into my thin hairs.



"Hindi mo pa nga ako nililigawan!" Napabangon tuloy ako sa sinabi niya at natatawang hinampas siya.



"Natikman mo na nga ako lahat-lahat, magliligawan pa rin tayo?" She laughed too. Kay sarap talagang pakinggan ng tawa niya. Mas masaya pala talaga yung ganito, yung walang mga taong nakapaligid sa amin. Walang toxic, walang problema. Tanging kami lang ni Allison ang nagkakaintindihan.






"How much do you love me?" Parehas kaming natigilan ni Allison nang batuhin niya ako ng tanong na iyon. Pilit pa rin siyang nakangiti habang nakatingin sakin at hinihintay ang tamang sagot sa tanong niya.





"Tinatanong pa ba 'yan?" Nahampas ko ulit siya sa braso habang natatawa. Ngunit hinuli niya ang kamay ko at malalim na tumingin sa mga mata ko. Seryoso ang mga tingin niyang iyon, tila ba kapag sumagot ako nang hindi naaayon sa gusto niya ay matutumba na lamang ako dahil sa mga titig niya.





"I'm serious Samantha." Halata ngang seryoso siya. Dahil pati ekspresyon ng mukha niya ay hindi nagbago. She just showed me her poker face and still waiting for my answer.





Hinaplos ko ang pisngi niya. I know she's nervous for my response. Bakas sa mga mata niya ang pagkabahala, dahil hindi pa rin ako sumasagot. To be honest, it's my first time to answer that question. Para akong nasa interview at hirap na hirap sumagot sa tanong ng HR department head.





"I think it's not yet the appropriate time to answer my question." She sighed. Hindi pa man ako sumasagot ay, tumayo na siya mula sa kama. And I find it cute, ganito pala magtampo ang isang Allison.





I chuckled, and she turn around while glaring at me. Masama na ang tingin niya sa akin kaya mas lalo pang lumakas ang hagikhik ko.





"Anong nakakatawa?" Nakataas ang kilay niya.






"You!" Tumalon ako papunta sa kaniya na parang bata, ngunit na out of balance siya at napaatras hanggang sa mapansandal siya sa malaking built in white cabinet.







"You're so cute!" Piningot ko ang ilong niya, habang siya naman ay pinipilit balansehin ang sarili habang inaalalayan ako sa puwetan ko upang hindi ako malaglag.








Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Seduced By A Lesbian: AllisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon