***
"Rita! What the hell are you doing?!" Mabilis na tinakbo ni Samantha si Rita nang madatnan niya ang dalagang may hawak na surgical scissor.
"Subukan mong lumapit!" Itinutok sa kaniya ng galit na galit na dalaga ang gunting na hawak nito.
"Rita, please calm down!" Sinubukan pa rin niya itong lapitan kahit hindi sigurado si Samantha sa pwedeng gawin sa kaniya ni Rita.
Nanlilisik ang mga mata nito sa kaniya at anumang oras ay baka bigla na lamang sumirit ang dugo niya sa kabuuan ng puting kwarto na iyon.
"Nasasabi mo ang bagay na yan, ha? I can't calm down! Nawalan ako ng anak at dahil yun sa'yo!" Napaatras naman si Samantha nang iniamba sa kaniya ni Rita ang hawak na gunting.
"I tried to help you Rita." Rita stared at Samantha. Her breathing became heavy and erratic.
"Hinintay ka ng driver ko pero hindi ka sumipot." Dagdag ni Samantha. Rita's grip on the scissors loosened slightly, although her anger and pain were still evident in her eyes. She took a deep breath, struggling to find the strength to respond.
"A-Anong ibig mong sabihin?" Napanganga si Rita sa impormasyong binanggit ni Samantha.
"Sabihin mo nga sa akin Rita, sino ang sumundo sa'yo noong araw na 'yun?" Tuluyan ng nakalapit si Samantha sa dalaga at mabilis na sinipa ang gunting na nalaglag sa sahig.
"It's... It's your husband. ." Naramdaman ni Samantha ang bigla na lamang pagbagsak ng mga balikat niya.
"You.. you mean si Janus?" Naguguluhan nitong tanong.
"Pero paanong..." Hindi maintindihan ni Samantha ang nararamdaman niya. Maraming tanong ang bumabagabag sa isip niya.
"All this time, itinago nila ang lahat sayo." Nakita niyang nakatanaw sa bintana si Rita. Malalim ang iniisip nito.
"Ito yata ang karma ko sa hindi pagsabi sayo kaagad ng katotohanan. Naunahan ako ng takot, Samantha." Muling tumulo ang mga luha ni Rita. Hindi niya magawang lingunin ang kausap dahil nilalamon siya ng konsenya.
"Hindi kita naiintindihan, Rita." Tila takot na takot si Samantha sa mga binibitawang salita ng dalaga.
"Ang dalawang taong pinagkatiwalaan mo..." Nilingon siya ni Rita, basa ang magkabilang pisngi nito dahil sa luhang kanina pa umaagos mula sa mga mata niya. "Si Janus at Cheska, sila ang muling nagpakalat ng mga videos niyo ni Allison."
"Pinatay nila ang anak kong wala pang kamuwang muwang sa mundo." At saka siya humagulgol ng pagkalakas lakas. Naestatwa naman si Samantha sa kinatatayuan nito.
"Bakit ngayon mo lang sinasabi ito, Rita? Bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin?" Nagsimula na ring tumulo ang luha ni Samantha. Hindi niya lubos maisip na sa ilang taon na kasama niya si Janus ay itinago sa kaniya ang bagay na iyon. At ang masaklap pa ay pinakasalan at muli niya itong pinagkatiwalaan.
"Hinayaan kitang mag imbestiga sa katotohanan, dahil kahit saan ka magpunta ay sinusundan ka nila. At saka wala na rin namang saysay ang buhay ko, hindi na ako natatakot sabihin sayo ang totoo." Nanginginig na nilapitan niya si Samantha. Nakaramdam siya ng pag gaan ng dibdib niya dahil tila ba nabunutan siya ng tinik na matagal ng nakalubog sa puso niya.
BINABASA MO ANG
Seduced By A Lesbian: Allison
RomansaIn a tumultuous tale of love and self-discovery, Samantha finds herself at a crossroads after the end of her nine-year relationship with Janus. Struggling to move on, she encounters Allison, a dominant lesbian whose magnetic presence pulls Samantha...