Chapter 58

949 24 8
                                    

***

"Pinaglutuan kita ng paborito mong nilagang baboy." Malaki ang ngiti ni Samantha nang buksan niya ang malaking baunan na naglalaman ng ulam para kay Allison.


"Samantha, hindi mo naman kailangang gawin 'to araw-araw." Mahinang sambit ni Allison na nakakaramdam na ng hiya dahil sa araw araw na pagdalaw sa kanya ng dalaga sa loob ng piitan.


Allison knew that she didn't deserve this kind of treatment from Samantha. Dahil alam ni Allison sa sarili niya na isa rin siya sa mga tumarantado kay Samantha.


Pagkatapos ng lahat ng masasakit na nangyari, ay heto si Samantha na hindi tumigil na alagaan at pagsilbihan si Allison. Napaka laki ng puso ng dalagang ito para mabilis na patawarin si Allison.


"Ako na." Tipid na ngumiti si Allison sa dalaga nang agawin ang sandok na hawak nito.


"Kumain ka ng marami, ha." Ngunit nagulat ang dalaga nang sa kaniya iabot ni Allison ang plato na may lamang kanin.


"Ikaw ang kumain ng marami. Huwag mo ako masiyadong isipin dito." Maya maya pa ay nagsandok na rin ito ng makakain niya at sinabayang kumain si Samantha.


"Nakakamiss 'tong luto mo!" Halata naman sa ekspresyon ni Allison ang kaligayahan. Halos maiyak pa nga siya ng matikman niyang muli ang lutong iyon.


Ang putahe ni Samantha na may kasamang pagmamahal.


Pagmamahal na hindi kailanman deserve ni Allison.


"Sam." Muling panimula ni Allison. Hindi nito alam kung paano sisimulan ang sasabihin sa dalaga.


"Hmm?" Tugon naman nito. Hindi lubos maisip ni Allison na muli niyang masisilayan ang matamis na ngiti ni Samantha na lalong nagpapaganda sa kaniya.



Ngunit labis niyang ikinalungkot na makita muli iyon sa huling pagkakataon.


"Hindi ko deserve lahat ng 'to, Sam." Bakas sa mga mapupungay na mata ni Allison ang sakit na nararamdaman niya. Ngunit ayaw niya itong ipahalata kay Samantha.


"Ito na sana yung huli nating pagkikita." Mabilis na nawala ang ngiti sa labi ni Sam. Nabitawan pa nga nito ang hawak na kubyertos dahil sa hindi inaasahang sinabi ni Allison.


Napahinto si Samantha sa kanyang kinakain at tiningnan si Allison ng malalim. Tila ba ang kanilang pagkikita ay puno ng lungkot at pait.


"Hindi kita maintindihan, Allison." Sambit ni Samantha, habang nagtatago ang kanyang takot sa kanyang tinig. Nakaramdam ang dalaga ng pagsikip sa kaniyang lalamunan na para bang may gustong lumabas mula roon. Nakatuon lamang ang tingin niya kay Allison at ayaw niyang putulin iyon kahit isang segundo.


"Kaya ko isinuko ang sarili ko sa mga pulis para sundan at makasama ko pa rin si Cheska." Diretsyong sambit nito na hindi rin inaalis ang paningin kay Samantha.


Seduced By A Lesbian: AllisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon