Allison's POV
"Who are you?" Naniningkit ang mga mata ng isang matangkad, maputi at matipunong lalaki nang iluwa siya ng pinto matapos ang makailang katok ko rito. Marahil ay nabulabog ito sa isang masarap na pagniniig dahil bakas pa sa leeg nito ang mga marka ng gigil na gigil na kasiping nito.
Napaatras ako nang mapag tantong mali yata ang napuntahan kong apartment.
"Sorry, I think I went to the wrong apartment. ." Mahigit limang araw na kasing hindi napapabisita si Cheska sa Cafe matapos ang mainit na pinagsaluhan namin noong nakaraang araw. Pagkatapos kasi ng pagtatagpo naming iyon ay umalis rin kaagad siya sa coffee shop at hindi na nga bumalik pa.
Tumango lamang ang banyagang kaharap ko at saka humakbang na akong muli palayo sa pinto na iyon. Hindi kasi ako sigurado kung saan ba nakatira si Cheska sa dami ng pintong nandito.
"Babe, who's that?!" Kunot noo akong umikot paharap muli sa pinto nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon.
"I don't know babe, I think she's lost." Kibit balikat nitong sagot habang nakikipag usap sa kung sino mang nasa loob ng apartment na iyon.
"Hmm, I think I can help her." Tuluyan na ngang bumukas ang pinto at inuluwa nga nito ang kanina ko pang hinahanap.
"ALLISON?!" Gulat at nakataas pa ang kilay nito nang makita niya ako sa labas ng apartment niya. Hindi ko tuloy alam kung nginigitian ko ba siya dahil bigla na lamang lumakas ang kabog ng dibdib ko nang masilayan ko ang mala-anghel nitong mukha.
Shocks! Ano ba 'tong pinagsasabi ko?
"You know her?" Palipat lipat ang tingin niya sa akin at sa foreigner na naka topless pa at puro kissmark ang leeg at dibdib nito.
Mukha namang napalaban rin si Cheska sa isang digmaan at siya ang napuruhan dahil puno rin ng kissmark ang leeg nito hanggang sa dibdib. Hindi mabilang na marka ang nasa katawan nito at tila proud pa dahil naka sleeveless top lang ito.
Shit!
Mukhang naunahan na ako sa finish line!
"Y-Yeah. . S-She's my business partner." Utal utal na sagot nito na para bang hindi sigurado sa mga sinasabi niya.
"Yeah right, she's my business partner babe." Ulit pa nito nang mabakas sa mukha ng katabi niya na hindi ito kumbinsido sa pagpapakilala niya sa akin.
"Allison." Inilahad ko ang kamay ko sa harap nito para makapagpakilala ng pormal sa kaniya.
"That's right! I am Cheska's business partner. We are actually planning to reopen my deceased girlfriend's coffee shop." Tila nakahinga ng maluwag si Cheska sa sinabi ko. Gusto kong matawa dahil parang kanina pa nito pinipigilan ang paghinga niya. Ano bang akala niya? Magpapakilala ako bilang isang fuck buddy niya? E mukhang naunahan naman na ako ng lalaking ito.
BINABASA MO ANG
Seduced By A Lesbian: Allison
RomanceIn a tumultuous tale of love and self-discovery, Samantha finds herself at a crossroads after the end of her nine-year relationship with Janus. Struggling to move on, she encounters Allison, a dominant lesbian whose magnetic presence pulls Samantha...