***
"I'm glad, kalmado ka na Ms. Allison!" Kunot ang noong sinundan niya ng tingin ang isang babaeng nasa mid 30's ang edad. Naupo ito sa katapat niyang couch habang kasunod naman nito ang isang lalaking kahawak niya ng kamay.
"Boss, sila po yung buyer ng rest house." Bulong sa kaniya ni Dex habang tinitignan ang dalawang bagong dating.
"Nice to meet you Ma'am and Sir. I'm Cheska, Allison's friend. Pasensya na nga po pala kayo sa nangyari sa rest house." Pagpapakilala ni Cheska sa mga ito. Habang si Allison ay nanataling tahimik at tila hindi pa pumapasok sa utak niya ang mga nangyayari sa paligid niya.
"It's okay Ms. Cheska. No need to apologize. Sa tingin ko naman ay maide-deal na namin ang resthouse dahil kalmado na ngayon si Ms. Allison." Saad ng ginang.
Hindi niya kilala ang dalawang ito. Hindi siya pupwedeng magkamali dahil kitang kita ng dalawa niyang mga mata na si Samantha at Janus ang tanging naroon sa rest house na ipinagbibili niya.
Bumuga si Allison ng mahinang tawa na naging dahilan upang sa kaniya itapon ang tingin ng mga taong nasa paligid niya. Ipinagtaka naman ito ni Dex at Cheska pati na rin ng mag asawang galing ng Canada.
Hanggang sa ang mahinang tawa ay napunta sa malakas na halakhak.
Pekeng halakhak.
"Ginagago niyo ba ako?" Kumento ni Allison nang matigil siya sa pag tawa. Isa isa niyang tinapunan ng masamang tingin ang mga taong kasama niya.
Nagtinginan sa gawi nila ang mga customers sa loob ng coffee shop at naging dahilan na rin upang magbulungan ang mga ito.
Umigting ang mga panga ni Allison habang galit na nakatitig sa nagpakilalang mag asawa.
"Allison. ." Bulong sa kaniya ni Cheska at sinubukang hawakan ang kamay nito upang pakalmahin siya. Ngunit itinabig lang ni Allison ang kamay ni Cheska.
"Pwede ba, huwag niyo akong ginagawang tanga! Hindi kayo ang nakausap ko sa rest house. It's Janus and Samantha!" Sabay hampas nito sa round table na nasa harapan niya.
"Boss. ." Maging si Dex ay pilit na pinapakalma si Allison ngunit hindi ito nagpapigil.
"Dex, you saw it right! Nandoon ka!" Basag ang tinig nito. Hindi nito alam sa sarili kung bakit parang naiiyak siya.
Nanatiling tahimik si Dex.
"Dex, tell them!! Ikaw ang kasama ko sa rest house. Bakit hindi mo sabihin ang totoo!" Lalong hindi mapakali si Allison sa hindi pagsagot ni Dex. She even shake him but he remained silent.
BINABASA MO ANG
Seduced By A Lesbian: Allison
RomansaIn a tumultuous tale of love and self-discovery, Samantha finds herself at a crossroads after the end of her nine-year relationship with Janus. Struggling to move on, she encounters Allison, a dominant lesbian whose magnetic presence pulls Samantha...