Chapter 45

1.4K 25 3
                                    

***

"Why are you smiling like that?" Sabay na lumabas ng hospital si Allison at Cheska matapos nitong madischarge matapos ang dalawang araw na pagkaka confine. Magkahawak ang kamay nila habang binabaybay ang lugar kung saan naka park ang kotse ni Cheska.

"I don't know." Kibit balikat si Cheska nang sagutin ang tanong na iyon ni Allison. Hindi tuloy mapakali si Allison na para bang may iba pang bumabagabag sa dibdib nito bukod sa ngiti ng dalagang kasama niya ngayon.

Hindi pa rin nito maalala ang mga memorya na tila ba nabura sa isip niya. Ang tanging huling alaala niya lamang ay ang pagbisita niya noon kay Cheska sa apartment.

"You mentioned na may resthouse ka diba?" Tumango si Allison bilang sagot. Nanatili itong tahimik habang binabasa ang mga kilos ni Cheska.

"Bakit hindi muna tayo mag stay dun?" Cheska became clingy. Yumakap ito sa braso ni Allison at saka pilit na isinisiksik ang sarili.

Tila sumakit ang ulo ni Allison nang marinig niya ang salitang resthouse. May mga alaalang rumehistro sa utak nito ngunit hindi ganun kalinaw.

"Are you okay?" Napansin iyon ni Cheska nang hilutin ni Allison ang sintido nito. Mariin na pumikit si Allison, hinahanap niya sa utak niya ang memoryang rumehistro ngunit walang lumabas mula rito.

"Yung resthouse. ." Bulong nito. Hindi na nito alam kung kailan niya iyon huling napuntahan.

"Si Samantha. ." Nanlaki na lamang ang mga mata ni Allison nang ang mukha ni Samatha ang nakita niya sa pagpikit niya. Nakangiti ito sa kaniya, buhay na buhay habang nasa loob sila ng rest house.

"Allison, are you okay?" Para siyang nagising sa isang maigsing panaginip nang tapikin siya ni Cheska. Nag aalala ang mukha nito na tila nagtatanong ang bawat ekspresyon.

"Don't worry, dadalhin kita dun kapag maayos na ang pakiramdam ko." Napatalon sa tuwa ang dalaga, pumapalakpak pa ito na animo'y binilihan ng bagong laruan ng kaniyang mga magulang.

Si Cheska na ang nag presentang mag maneho patungong apartment nito. Hindi pa rin natatapos ang pagiging clingy nito kay Allison. Para itong linta na ayaw humiwalay sa balat niya.

"Cheska, hindi naman ako mawawala sa tabi mo." Kumento ni Allison na halatang may pagka inis na sa boses nito. Magmula kasi noong nagising siya at ikinuwento ni Cheska na mahal niya daw ito ay hindi na ito tumigil sa pagyapos sa kaniya.

Hindi pa rin ito makapaniwala na nasabi niya kay Cheska na mahal niya ito. Isa pa, hindi rin naman siya nakakaramdam ng kahit na ano sa dalaga.

Baka libog ay puwede pa.

Malanding tawa lamang ang ibinalik sa kaniya ni Cheska. Hinalikan pa nito ang likod ng kamay ni Allison bago niya bitawan.

"Did I really say that?" Hindi mapakaling tanong ni Allison.

"Ang alin?" Abalang nagmamaneho pa rin si Cheska. Hindi siya nito tinapunan ng tingin ngunit nanatili itong nakangiti habang diretsyo ang mata sa kalsadang tinatahak nila.

"Hmm, sinabi ko ba talagang mahal kita?" Hindi na ito nagdalawang isip na bitawan ang salitang iyon. Wala siyang nakuhang sagot mula sa dalaga bigla na lamang nawala ang ngiti nito na kanina lang ay abot tenga.

Seduced By A Lesbian: AllisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon