***
"Your food is ready——hindi ka kumain?" Nakaramdam ng panlulumo ang dalaga nang makita wala man lang kahit kaunting bawas ang pagkain na inihain niya para kay Allison.
"Ano bang plano mo sa akin, Cheska?" Mahina ngunit may pagdiin na tanong nito sa dalaga. Hindi niya ito tinatapunan ng tingin dahil paniguradong maiinis lamang siya na dahilan upang ikasira ng araw niya.
"I've been staying here for three fucking days! Bubulukin mo ba ako dito?" Ngunit hindi nagpatinag si Cheska sa pagtaas ng boses ni Allison. Bagkus ay kalmadong ipinatong niya ang tray ng pagkain sa bed side table.
"Sumama ako dito sa apartment mo dahil ang buong akala ko ay may malasakit ka sa akin." Nanginginig na sambit ni Allison ngunit hindi siya pinansin ni Cheska na kunwaring abala sa paglilinis sa mga napanis na pagkaing inihain niya.
"Pero hindi e! Ginawa mo akong sarili mong preso!" Hindi siya muling tinugon ng kausap. Pakiramdam niya ay nakikipag usap lamang siya sa hangin dahil kahit anong sabihin niya ay hindi siya pinapansin nito. Kaya naman mas lalong nag init ang ulo niya.
Akmang lalabas na ang dalaga sa kwartong iyon nang agad naman siyang harangin ni Allison.
"Fuck, Cheska! Talk to me!" Hindi na nito napigilan ang kamay at hinawi niya ito sa dalang tray ni Cheska na naging dahilang upang tumapon at kumalat sa kwartong iyon ang mga pagkaing kahit karampot ay hindi tinikman ni Allison.
Noon niya lamang nakita ang dalagang umiiyak na pala.
"I made all of this just for you. . Tapos hindi mo naman pala kakainin." Nagtama ang mga mata nila ngunit nag iigting pa rin ang panga ni Allison sa galit.
"Why? Why are you doing this to me?" Dire diretsyo lamang ang pagtulo ng luha ni Cheska. Hindi niya masagot kaagad ang tanong na iyon ni Allison.
"Sinusunod ko lang naman yung advise ng doctor, Allison. Concern lang ako sayo!" Basag ang boses nito
"Hahahaha tangina! Cheska, ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ako baliw!" Gusto nitong maiyak sa galit. Pakiramdam ni Allison ay sa pagkakakulong niya sa kwartong iyon ang dahilan para mabaliw siya.
"The doctor found out that you are experiencing trauma from the past." Mabilis na hinagkan ni Cheska ang kamay ni Allison upang pakalmahin ito dahil nagsisimula na itong magwala sa pamamagitan ng paghagis niya ng gamit na nasa paligid niya. Ngunit hinawi lang ni Allison ang kamay nito at patuloy pa rin sa pagwawala.
"Fuck you, Cheska! Mas pinapaniwalaan mo pa ang doctor na iyon? Kaysa sa akin na tinuturing mong kaibigan." She smirked at saka sinipa ang bed side table kung saan naroon ang pagkain na inihain ni Cheska.
BINABASA MO ANG
Seduced By A Lesbian: Allison
RomanceIn a tumultuous tale of love and self-discovery, Samantha finds herself at a crossroads after the end of her nine-year relationship with Janus. Struggling to move on, she encounters Allison, a dominant lesbian whose magnetic presence pulls Samantha...