Chapter 9 *SPG*

8.5K 98 26
                                    

Sam's POV

"So ito pala ang studio mo?"

Bakas sa mukha ni Allison ang pagkagulat niya sa biglaan kong pagbisita. Inilibot ko ang sarili sa loob ng studio ni Allison nang wala man lang pasabi. Minabuti kong puntahan siya rito matapos ang ilang araw naming hindi pagkikita mula noong tinakbuhan niya ako at iwan sa condo ko.

Hindi ko nga akalain na hahabol habulin ko si Allison ng ganito. Ginayuma yata ako ng tomboy na to e!


Hinahanap hanap ko ang presensya niya, ang mga haplos niya at ang halik niya.


Bukod pala sa mga awards niya na nakita ko sa condo niya ay nandito pala ang iba pa niyang awards sa studio niya.

Nakasunod lang siya sa akin habang nag lilibot ako sa studio niya.

"What . . What makes you come here?" Umikot ako at humarap sa kanya. Hindi ko namalayan na ilang pulgada nalang pala ang layo namin sa isa't isa.

"Hmm. ." Muli na akong naglakad at tinungo ang dalawang pintong magkatapat. "Wala lang. Masama ba?" May pagtataray ang tono kong sinagot siya. Binuksan ko ang isa sa mga pintong naroon at tumambad sa akin ang napaka ganda niyang opisina.

"Hindi. . Hindi naman." Bakit ba parang nabubulol siya? E ako lang naman tong kaharap niya.

Muli kong sinara ang pintuan ng office niya at ang katapat naman na pinto ang binuksan ko.

Ngunit naka lock iyon.

"'What's in it inside?" I looked straight into her eyes at muli niya na naman akong iniwasan ng tingin.

"My collection." Napakamot siya sa ulo "Yeah, my collection." Pinanunuod ko lang ang wirdong pagkilos niya.

"Pwede ko bang makita?" Naglakihan ang mga mata niya na para bang gulat na gulat siya sa sinabi ko. Awtomatiko naman na tumaas ang kaliwa kong kilay dahil bigla nalang namutla ang mukha niya.

"Maybe next time?" Tipid niyang ngiti at hinawakan ako sa siko para igiya papasok ng opisina niya.

"Are you avoiding me?" Sinundan ko siya hanggang sa makaupo siya sa kanyang swivel chair. At prenteng naupo roon.

"Of course not. Bakit ko naman gagawin yun?" Isinandal niya ang likod niya at malagkit akong tinignan mula ulo hanggang paa. I am wearing an off shoulder white dress na hapit sa katawan ko at ang haba ay hindi pa aabot sa tuhod ko.

Nakita ko na naman ang tila muling pagbabago sa mga mata ni Allison. Kaya naman hindi na ako nagdalawang isip pang lumapit sa kanya at maupo sa desk na nasa harap niya.

"Hindi kasi kita mahagilap e." Kumuha ako ng isang sigarilyo at agad naman na sinindihan iyon.

I can see on my peripheral vision, kung paano ako titigan ngayon ni Allison at kung paano niya hangaan ang mapuputi kong legs na nakahain na sa harapan niya. Halata namang ilang araw na niya akong iniiwasan dahil hindi na siya nagpupunta sa condo ko tuwing umaga.

"Marami lang akong client." I rolled my eyes when I realize na wala naman akong naabutang client pag dating ko sa studio niya. Hindi niya alam na kaya kong sipatin kung nagsisinungaling ba siya o hindi.

Mula sa pagkakaupo ko sa gilid ng kanyang desk ay iniangat ko ang sarili ko at umupo ng nakaharap sa kanya habang nakaupo pa rin siya sa swivel chair. Na sadyang ikinagulat niya kaya napaatras siya. Muli kong hinithit ang sigarilyong hawak ko saka itinapon iyon sa ash tray.

Seduced By A Lesbian: AllisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon