***
Allison's POV
"Bakit ka umalis ng hospital? Hindi ka pa pinapayagang lumabas ng doctor!" Padabog na pumasok ito sa pinto ng Mugs Cafe. Prente lamang akong nakaupo sa lumang couch habang hawak ang isang baso ng alak. Nakatalikod ako mula sa kaniya kaya't hindi ko siya naaaninag.
"I don't want to stay there. At wala rin naman akong ipambabayad." Simpleng sagot ko saka ininom ang alak na natitira sa baso at saka ito muling sinalinan.
"Bayad na lahat ng bills doon, and you don't need to worry!" Proud niyang sambit ngunit wala naman akong pakialam.
"Why are you doing this, Cheska? Stop acting like you really worried about me. To tell you honestly, wala akong ipambabayad sa lahat ng ginagastos mo sa akin." Mariin akong napapikit. Pakiramdam ko ay sasakit ang ulo ko sa babaeng ito.
"Hindi naman kita sinisingil, Allison." Basag ang boses nitong sambit.
"Bakit Cheska? Ano bang gusto mong makuha sa akin?" Itinungga ko ang kaunting alak na natitira sa bote saka ako tumayo at hinarap siya. Napangisi na lamang ako nang makita ko kung paano lumaki ang mga mata niya nang mabilis ko siyang nilapitan.
"Ito ba?" Hinaplos ko ng dahan dahan ang braso niya gamit ang daliri ko. And I know it gives shivers to her body. Ipinagpatuloy ko ang paghaplos sa kaniya pababa hanggang sa mga daliri niya kasama na rin pati ang palad niya.
"Allison. . ." Pabulong niyang sambit habang habol ang sariling hininga. My fingers landed into her flat tummy and started to trace up to her chest.
Hindi ko tinanggal ang tingin ko sa mga mata niya at ganun din naman siya. Kaya naman nakaramdam ako ng init sa buong katawan ko. Tila ba mina-magnet ako ng mga titig niya na para bang hinihila ako nito upang mas mapalapit sa kaniya. Hindi ko alam kung dahil ba sa alak ang init na nararamdaman ko o dahil naaakit ako ngayon kay Cheska.
Mabigat ang paghinga niya nang simulan kong haplusin ang dibdib niya ng paikot gamit pa rin ang mga daliri ko. Magaan ang mga haplos na iyon ngunit alam kong nakakakiliti.
"Ah——" Iyon ang namutawi mula sa kaniyang bibig nang hindi ko sinasadyang matamaan ng daliri ang kanina pang bumabakat mula sa kaniyang suot na sleeveless crop top. My eyes shut down as I hear her moan. Para bang matagal na panahon noong huli akong nakarinig ng isang masarap na ungol.
Muli kong ipinaikot ang daliri ko sa kabuuan ng dibdib niya. Para bang sinusukat ng mga daliri ko ang malusog na bagay na yun.
"Don't bite your lips, Cheska." Mapungay ang mga mata nitong tinapunan ako ng tingin. Nanatili kami sa ganoong puwesto, nakatayo at kaharap ang isa't isa. May kaunting espasyo, ngunit kaunti nalang din ay magdidikit na ang aming mga katawan.
"Is this what you want? Ito ba yung gusto mong maging kabayaran sa lahat ng itinutulong mo sa akin?" I smirked when I saw how her facial expression changes. Pero hindi ko pa rin itinigil ang ginagawa ko sa dibdib niya. Seducing her, satisfies me a lot.
BINABASA MO ANG
Seduced By A Lesbian: Allison
RomanceIn a tumultuous tale of love and self-discovery, Samantha finds herself at a crossroads after the end of her nine-year relationship with Janus. Struggling to move on, she encounters Allison, a dominant lesbian whose magnetic presence pulls Samantha...