Allison's POV
"Akalain mo yun, umattend lang tayo ng party naging taga pagmana ka na?" Natatawang kumento ni Samantha habang sumusubo ng noodles. Naisipan naming parehas na bumili na lamang ng makakain sa nadaanan naming convenience store pagkatapos naming lisanin ang wedding party ng parents ko. Hindi kasi kami nabusog ng mga pagkain doon.
Nakakatuwa lang siyang tignan habang kumakain siya ng cup noodles. Napaka simple at walang arte sa katawan kahit na dito lamang kami sa may gilid ng kalsada kumakain at nakaupo sa hood ng sasakyan.
"Alam mo, hindi ko naman pinangarap na maging kasing yaman nila. Ang gusto ko lang magmula noong bata ako ay isang masayang pamilya." Mapait akong napangiti nang tapunan ko siya ng tingin. Malungkot naman ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Inabot ng kamay niya ang pisngi ko saka hinipo iyon.
"Kahit hindi nangyari iyon, masaya pa rin ako." Dagdag ko. "Kasi mayroon akong isang katulad mo." Inabot ng labi ko ang kamay niyang nasa pisngi ko at saka hinalikan iyon. Ang kaninang malungkot at malamlam niyang mga mata ay nagkaroon na ng liwanag nang sambitin ko iyon.
After how many years I felt this happiness again. But I'm afraid that time will come, this happiness will fade. Ganoon naman talaga, kapag nagiging masaya tayo ng sobra, ay mapapalitan din kaagad ng sobrang kalungkutan.
Napapikit ako ng mariin habang nakadampi pa rin ang mga labi ko sa kamay ni Samantha. Hindi ko ma-imagine ang magiging buhay ko kapag nawala siya sa akin. I'm too obsessed on her. Mawala lang siya sa paningin ko ay hahanapin kaagad siya ng mga mata ko. Hindi ko kakayanin ang buhay na wala siya.
Huminga ako ng malalim bago muling dumilat. Sana ay hindi ito isang panaginip. Na sa pagdilat ng mga mata ko ay mawawala ang lahat ng ito.
Ayoko.
"I am your home. I am your family. And I am yours. All yours." Nais tumulo ng luha ko sa mga sinabi niyang iyon. Sana lang hindi dumating yung panahon na pagsisihan niyang nakilala niya ako. Na minahal niya ang isang katulad kong gago.
"Mahal kita, Samantha." Mahina ko siyang hinila palapit sa akin. Niyakap ko siya kahit hawak niya pa rin ang cup noodles na kinakain niya.
"Huwag kang mag alala kasi hindi ako magsasawang iparamdam at sabihin sa iyo na mahal kita." Sagot niya na mas lalong nagpapasakit ng puso ko. Sa tuwing sasabihin niya kasing mahal niya ako ay mas lalo akong natatakot para sa mararamdaman niya, once na malaman niya kung anong mga bagay ang itinatago ko sa kaniya.
Nilalamon ako ng konsensya.
Matatanggap niya pa rin kaya ako?
BINABASA MO ANG
Seduced By A Lesbian: Allison
RomanceIn a tumultuous tale of love and self-discovery, Samantha finds herself at a crossroads after the end of her nine-year relationship with Janus. Struggling to move on, she encounters Allison, a dominant lesbian whose magnetic presence pulls Samantha...