***
Samantha's POV
"Better drink this when you woke up."
Isang note iyon na nakapatong sa bed side table ko habang may kalakip na gamot at isang basong tubig. I smiled in silent. I guess it's from her.
It's from my Allison.
Agad akong bumangon at dire diretsyong lumabas ng kwarto ko. Sa tingin ko ay presensiya niya lang ang makakapag pagaling sa nararamdaman ko.
I missed her.
I missed her so much.
Kahit pa lasing ako kagabi ay hindi ko makakalimutan ang halik na pinagsaluhan namin. Hindi ako pupwedeng magkamali.
"I'm glad you're awake."
Natigilan ako sa kinatatayuan ko. Nakangiti siyang nakatayo sa harapan ko habang may hawak na sandok at naka apron pa.
Ang excited kong mukha ay napalitan ng lungkot at pagtataka. Nagpalinga linga ako sa paligid.
This is not real.
"Where is she?" Nagtataka kong tanong kay Cheska.
"Sino?" Wala naman akong ibang hahanapin kung hindi si Allison. Pero bakit parang salungat ang sagot sa akin ni Cheska. Anong nangyayari?
May nangyari ba?
Hindi ako puwedeng magkamali dahil tandang tanda ko, na si Allison ang kasama ko kagabi. Nararamdaman ko pa rin ang labi niya sa labi ko. Ang mga haplos niya.
Ang pagmamahal niya. . .
"Magkasama kami kagabi Cheska, imposibleng wala siya dito." Para akong mababaliw sa sinasabi ko.
"Imposibleng kasama mo si Allison kagabi, Sam. You called me to fetch you at Janus' house. You're drunk last night!" She's now raising her voice. What the fuck is her problem!
"So, we kissed?" Tuluyan ng nanghina ang mga tuhod ko at napaupo sa sofa. Hindi maproseso ng utak ko yung nangyayari.
"Duh? Why would I kissed you?" Nandidiring tanong niya.
"Yun na nga e! Kaya nga tandang tanda ko na kasama ko si Ali kagabi! Magkasama kami!" I even raised my voice. Pinagtatakpan niya ba si Allison? Is she trying to hide her from me? Hindi ko na alam kung ilang araw o linggo na niya akong iniiwasan.
Mabilis akong tumakbo palabas ng unit ko, at dire diretsyong kumatok sa pinto ni Allison. Wala na akong pakialam kung tulog siya at maistorbo ko siya. Ang importante nalang ay mayakap at mahalikan ko siya.
BINABASA MO ANG
Seduced By A Lesbian: Allison
RomantizmIn a tumultuous tale of love and self-discovery, Samantha finds herself at a crossroads after the end of her nine-year relationship with Janus. Struggling to move on, she encounters Allison, a dominant lesbian whose magnetic presence pulls Samantha...