***"Bakit ka bumalik?"
"Really? Ganyan talaga ang isasalubong mo sa akin?" Prenteng sumandal ang dalaga sa couch na kinakaupuan nito at saka tinignan mula ulo hanggang paa ang kaibigan na kakarating lang. Hingal na hingal pa ito na para bang hinabol siya ng sampung kabayo.
"Ni hindi mo nga ako sinundo sa airport with banner na 'Welcome back, Samantha!'" Iwinagayway nito ang kamay sa ere na para bang idini-demonstrate nito ang dapat na gawin ng kaibigan.
"Dahil hindi mo rin naman sinabi sa akin na uuwi ka." Pabagsak itong naupo sa single couch. Kunot ang noo nitong nakatingin sa kaibigan na prente lamang na nakasandal sa kinauupuan nito habang nakangising tinititigan lang rin siya ng kausap.
"At wala ito sa plano, Samantha." Madiin na banggit nito sa pangalan ng kaibigan. Mahinang tumawa ang dalaga. Hindi niya maipinta ang itsura ni Cheska.
"Bakit? Nagulat ka ba na buhay na yung taong pinatay mo?" Pabulong na tanong ni Samantha habang inilalapit ang mukha sa kausap.
"Hindi kita pinatay Samantha. That was our plan. Na palabasin sa lahat na namatay ka. Na nagpakamatay ka." Nag iigting ang panga ni Cheska sa galit ngunit nginisian lamang siya ni Samantha. Sinusubukan na mas asarin pa ito.
"But that was your idea." Muli siyang sumandal sa couch habang humihigop sa inumin niyang caramel frappe.
"Sagutin mo ang tanong ko, Sam. Bakit ka bumalik? Hindi ba nag usap na tayo na kahit pa anong mangyari ay hindi ka na muling babalik pa dito sa Pinas?"
"Hindi kasi ako makapaniwala na pagala gala pa rin yung taong nagpakalat ng videos ko. Hindi ba may usapan rin naman tayo na ipapakulong mo si Allison? Nangako ka! " Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Cheska. Hindi ito kaagad nakasagot sa sinabing iyon ni Samantha.
"Naiinip na kasi ako Cheska. It seems like you are just tolerating her. Kung hindi mo naman pala siya kayang ipakulong ako na lang ang gagawa. Tutal naman sa akin siya nakagawa ng kasalanan." Matapang na sambit ni Samantha.
Kung alam lang ng mga taong nasa paligid niya ang pinag daanan niyang trauma ay baka maintindihan ng mga ito ang nararamdaman niya. Hindi niya mabilang kung ilang araw o buwan niyang ikinulong ang kaniyang sarili sa maliit na kwarto sa Canada just to forget the past.
Halos gumuho ang mundo ni Samantha nang ipamalita sa kaniya na pinagpipiyestahan na pala ng mga tao ang mga cctv footages na kuha mula sa kaniyang condo unit. Matatanggap pa siguro niya kung ang mga kumalat sa social media ay simpleng videos lamang.
Pero hindi lang iyon basta video o footage.
BINABASA MO ANG
Seduced By A Lesbian: Allison
RomanceIn a tumultuous tale of love and self-discovery, Samantha finds herself at a crossroads after the end of her nine-year relationship with Janus. Struggling to move on, she encounters Allison, a dominant lesbian whose magnetic presence pulls Samantha...