***
"Rita? Ikaw ba 'yan?" Ilang segundong nawalan ng hininga ang dalaga nang marinig niya ang sariling pangalan mula sa isang pamilyar na boses na ilang taon na ang nakakalipas magmula noong huli niyang narinig.
"Rita!" Saglit siyang naestatwa nang mapagtanto niya ang babaeng ngayon niya lang muling nakita.
"Jusko, patawarin niyo ako!" Nanginginig nitong sambit habang pinapanuod siya ng dalagang kanina pa nasa harap niya. Hawak niya sa kaliwang kamay ang isang basket na naglalaman ng mga damit para sa sanggol. At ang kanang kamay niya naman ay humimas sa tiyan niyang kaunting buwan na lamang ay puputok na.
"Are you okay?" Mag pag aalala sa tinig nito. Mas lalong binalot ng takot si Rita nang hawakan siya nito sa balikat. Tila lahat ng balahibo niya sa katawan ay nagsitayuan.
"Jusko! Matagal ko ng inihingi ng tawad yung nagawa kong kasalanan!" Maiyak iyak na muling sambit nito. Gusto niya mang sumigaw ay hindi nito magawa dahil sinakop na siya ng takot.
"Huy Rita, ayos ka lang ba? Namumutla ka." Nag panic na ang dalaga dahil napansin niyang naghahabol na ng hininga si Rita. Para bang anumang oras ay mahihimatay ito at lalagapak na lamang sa sahig.
"H-Hindi pa rin ba natatahimik ang kaluluwa mo. . Patahimikin mo na ako." Mariin itong napapikit upang hindi na niya makita ang babaeng nasa harap niya at saka siya mabilis na napa sign of the cross.
"AHHHHHHH!" Tuluyan na siyang napasigaw nang pagdilat niya ay naroon pa rin ang babae sa harapan niya. Nakakunot ang noo at pinanunuod lamang siya.
"Huy Rita, kumalma ka nga!"
"Samantha, please. Nawa'y sumalangit na ang iyong kaluluwa!" Tuluyan na itong umiyak dahil sa takot na nararamdaman nito.
"Really? Do I look like a ghost?" Samantha crossed her arms. Saglit na natahimik si Rita.
"Are. . . Are you really alive?" Matapos ang tanong na iyon ay sinundot sundot niya ang mukha ni Samantha na agad namang ikinairita ng dalaga.
"Imposible!" Mabilis na kumento ni Rita. "Kamukha mo lang siguro si Samantha."
"Nakaabot rin pala sayo ang balitang patay na ako?" Napanganga ang kausap nito at hindi makapaniwalang si Samantha nga ang nasa harap niya.
"Buntis ka? Ilang buwan?" Pag iiba nito sa usapan.
"Pitong buwan." Nakangiting hinimas himas ni Rita ang kaniyang malaking tiyan. "Bakit ka nandito sa baby section? Buntis ka rin ba?"
Mahinang tumawa si Samantha. Umiling lang ito bilang sagot.
BINABASA MO ANG
Seduced By A Lesbian: Allison
RomanceIn a tumultuous tale of love and self-discovery, Samantha finds herself at a crossroads after the end of her nine-year relationship with Janus. Struggling to move on, she encounters Allison, a dominant lesbian whose magnetic presence pulls Samantha...